Francisco Pinarangalan ni MPD Director PBGen.Leo “Paco” Francisco ang mga kapulisan ng MPD Malate Police Station 9 matapos ang flag raising ceremony sa MPD HQ sa U.N. Ave., Ermita Maynila, Lunes Abril 18, 2022. Kuha ni Jon-jon Reyes

MPD PS-9 pinarangalan sa paghuli sa HVT, nakumpiskang P3.4M shabu

April 18, 2022 Jonjon Reyes 436 views

BINIGYAN ng parangal ni Manila Police District (MPD) Director Police Brig. General Leo “Paco” Francisco ang mga kapulisan ng MPD Malate Police Station 9 (PS-9) sa pamumuno ni PLt. Col. Rodel Borbe, P/Lt. Josephus Melpaz, Pat. Lemon Descalzo, PCpl. Andeo Tusing, at PCpl. Roldan Luchavez.

Ito ay matapos na maaresto ng MPD Malate PS-9 ang isang “high-value target” (HVT) at marekober ang P3.4 milyon halaga ng shabu nang magsagawa ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng joint operation sa isang condominium sa Mabini St., Malate, Maynila.

Kinilala ni MPD Director P/BGen. Francisco ang suspek na si Tato Sali alyas “Tohanmi”, 32, ng Le Mirage Mabini, na kabilang sa HVT ng Metro Manila.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Borbe, commander ng MPD-Malate PS-9, Linggo ng gabi, Abril 3, 2022, isinigawa ang buy-bust operation laban sa suspek sa report na diumano’y namataan si Tohanmi sa area ng Ermita, Malate.

Ayon pa kay Lt. Col. Borbe, matagal na umanong nilang sinusubaybayan ang mga iligal na aktibidad ng suspek dahil ito mismo ang nagbabagsak ng shabu kung kaya’t agad na umaksyon agad ang kapulisan at narekober ang kalahating kilo ng shabu na may halagang P3.4 million.

AUTHOR PROFILE