Ryzza

Pagbabalik ni Ryzza Mae isinabay kay Anne

June 1, 2022 Aster Amoyo 717 views

SA darating na June 12, 2022 ay 17 years old na ang dating child star-turned teen actress at isa sa mga Dabarkads ng noontime program na “Eat Bulaga” kung saan siya nagsimula ten years ago nang siya’y sumali sa “Little Miss Philippines” segment at siya ang tinanghal na winner in 2012.

Hindi lamang naging bahagi si Ryzza Mae ng “Eat Bulaga” kundi binigyan pa siya ng Television & Production Exponents, Inc. (TAPE, Inc.), producer ng nasabing noontime program ng sarili niyang show, ang “The Ryzza Mae Show” the following year.

Between 2012 to 2017, almost thirty different awards ang tinanggap ni Ryzza Mae mula sa iba’t ibang award-giving bodies making her the most-awarded child star.

Bukod sa “Eat Bulaga,” nakagawa rin siya ng ilang TV shows at kasama na rito ang “Vampire ang Daddy Ko” with Vic Sotto bukod pa sa ilang movies with the veteran TV host-comedian and producer. Labas pa ito sa seryeng kanyang pinagbidahan, ang “Princess in the Palace” at “Calle Siete”.

Isa si Ryzza Mae sa naapektuhan nang pansamantalang matigil ang live program ng “Eat Bulaga” dahil sa pandemic. Mahigit dalawang taon din siyang hindi nakabalik sa noontime show.

Pero during the time na siya’y nasa bahay lamang, hindi nagpabaya si Ryzza Mae sa kanyang online class at nagkaroon din siya ng pagkakataon sa vlogging kung saan maganda ang kanyang kita with 476k subscribers sa kanyang YouTube channel.

Tulad ng ibang teen celebrities, si Ryzza Mae ay produkto rin ng isang broken family dahil bago pa lamang siya sa showbiz nang magkahiwalay ang kanyang parents.

Ngayong isa na siyang ganap na teen-ager, umaasa ang tinaguriang “Aling Maliit” ng “Eat Bulaga” na magtutuluy-tuloy ang kanyang showbiz career.

Si Ryzza Mae ay muling nagbalik sa “Eat Bulaga” studio nung nakaraang May 28 (Sabado), ang petsa ang pagbabalik ni Anne Curtis sa “It’s Showtime,” ang katapat na programa ng “Eat Bulaga”.

Samantala, marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa “Eat Bulaga” si Alden Richards. Babalik pa kaya siya sa programa o tuluyan na siyang umalis dahil sa kanyang schedule sa taping ng kanyang sunud-sunod na teleserye?

Bianca

Bianca naging emosyonal dahil sa pagtanggap ng viewers

BUKOD sa Big Winner ng “Pinoy Big Brother: Kumunity, Season 10” na si Anji Salvacion, hindi rin napigilan ng main host ng programa si Bianca Gonzales ang maging emotional pagkatapos ng kanilang closing spiel last Sunday, May 29 sa Big Night ng reality program na PBB. She was overwhelmed sa naging successful turnout ng Big Night maging ang naging mainit na reception ng Kumunity sa kanya at sa mga kasamahan.

Nag level-up si Bianca bilang main host ng seasonal at long-running reality show matapos mag-resign sa show as main host ang singer-TV host-actress na si Toni Tonzaga nung isang taon.

Hindi man magkakasama ngayon sa paghu-host ng PBB sina Toni, Bianca at Mariel, nananatili ang kanilang pagiging close na magkakaibigan.

AndreaAndrea1

Gold Squad nagulo ang love teams

SINCE last April ay hindi na talaga itinatago ng magkasintahang Andrea Brillantes at young basketball player na si Ricci Rivero ang kanilang relasyon. Katunayan, ang dalawa along with their other friends ay namataan sa Siargao. Ito ang first beach date ng young couple matapos maging sila.

Bago si Ricci, dalawang taong naging boyfriend ni Andrea ang kanyang (dating) ka-loveteam na si Seth Fedelin pero nagkahiwalay ang dalawa last October 2021.

Sina Francine Diaz at Seth ngayon ang pinagtatambal ng ABS-CBN sa kanilang bagong serye, ang “Dirty Linen” kung saan tampok din sina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo at Jennica Garcia.

Mukhang malabo na rin ang tambalan nina Francine at Kyle Echarri dahil nali-link naman ang young singer-actor kay Chie Filomeno na kanyang nakasama sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10”.

Maricel

Maricel lubhang naapektuhan sa pagpanaw ni James

TATLONG kilalang personalidad ang namaalam sa buwan ng Mayo, ang beauty czar, fashion designer at actor na si Fanny Serrano (Felix Mariano Fausto, Jr.), 72, last May 10, ang movie queen at veteran actress na si Susan Roces nung May 20 sa edad na 80 at ang veteran beauty expert and hairdresser na si James Cooper nung nakaraang May 29, araw ng linggo. He was 73.

Pare-parehong cardiac arrest ang ikinamatay nina Fanny, Susan at James.

Nasa loob ng simbahan ng San Pablo, Laguna si James habang abala sa pag-aayos para sa Santacruzan nang bigla umano itong matumba. He was rushed to the nearby community hospital pero hindi na ito nakaligtas.

Kung ang Megastar na si Sharon Cuneta at Lorna Tolentino among others ay idenfied kay Fanny, ang Diamond Star na si Maricel Soriano naman ang tumatak kay James. Katunayan, isa si Maria (Maricel) sa naapektuhan ng maagang pagpanaw ng kanyang itinuturing na `Mother Goose’.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE