Bolera

Pagbabalik ni Kylie, mainit na tinanggap

June 1, 2022 Ian F. Fariñas 299 views

HINDI nagkamali ang GMA Network sa pagbibigay ng seryeng Bolera bilang comeback vehicle ni Kylie Padilla sa primetime TV. Bukod kasi sa mataas na rating, eh, nag-trend din ang pilot episode nito kamakailan.

Base sa data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng market research firm na Nielsen Philippines, umani ng 12.7 percent rating ang premiere telecast ng sports drama series at naka-generate pa ng 6,820 tweets sa Twitter Philippines.

Patuloy ang pamamayagpag ni Kylie sa Bolera mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Lady.

Pwede ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Bukod kay Kylie, nasa cast din ng Bolera sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, atbp. mula sa direksyon nina Direk Dominic Zapata at Jorron Lee Monroy.

AUTHOR PROFILE