Moira

#YesToDivorce, nabuhay sa hiwalayang Moira-Jason

June 1, 2022 Ian F. Fariñas 355 views

PARE-PAREHONG nag-trend kahapon ang hashtags na #YesToDivorce, #MenAreTrash, #Paubaya at #Cheating matapos kumpirmahin ni Jason Hernandez ang bali-balitang hiwalay na sila ng misis na si Moira dahil sa kanyang pangangaliwa.

Idinaan ni Jason sa social media ang pag-amin na sinabayan ng pakiusap na bigyan sila ng privacy sa pinagdaraanan nila.

Aniya, “This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me.

“3 years ago, I married my bestfriend with the intent of spending the rest of my life with her. Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage. I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a ‘peaceful’ but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.

“From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi.”

Naglabas din siya ng joint statement nila ni Moira na nagsasabing: “It is with a heavy heart that after 3 years of marriage, we announce that we are parting ways. Our love and respect for each other remains. We request for privacy during this difficult time.”

Napuno ng opinyon ang online world ukol sa hiwalayan. Siyempre, mas maraming nanisi kay Jason at naawa kay Moira dahil na rin sa back story ng pag-iibigan nila.

May malisyosong insinuation pa na kumalat online tungkol sa gender preference umano ni Jason na hindi pinaboran ng netizens.

Dahil couple goal nga raw sina Moira at Jason, marami ang nalungkot at nagsabing wala pala talagang perfect marriage kahit gaano pa ka-spiritual ang mag-asawa.

May ilan ding nag-suggest na panahon na para aksyunan ng mga mambabatas ang pending divorce bill para raw mabigyan ng way out ang asawang inaabuso o kinakaliwa ng partner.

Nadagdagan din ang views ng videos ng kasal ng dalawa at ng kantang Paubaya at Promise na parte ng wedding vow ni Moira dahil sa “napapanahong” lyrics ng mga ito.

AUTHOR PROFILE