Zamora

Pagbaba ng krimen sa QC patok sa RPOC-NCR

December 12, 2023 Melnie Ragasa-limena 186 views

PINURI ng Regional Peace and Order Council-National Capital Region (RPOC-NCR) ang pagbaba ng krimen sa Quezon City.

Tinalakay ang peace and order situation sa buong National Capital Region (NCR) sa ginanap na 2023 Fourth Quarter Full Council Meeting sa Gloria Restaurant sa Greenhills, San Juan City noong Disyembre 7 ng RPOC-NCR sa pamumuno ng Chairman nitong si San Juan City Mayor Francis Zamora.

Para sa nakalipas na dalawang buwan ng 3rd quarter at unang dalawang buwan ng 4th quarter ng 2023, naitala ang pagbaba ng mga kaso ng physical injury mula 40 hanggang 35; rape mula 36 hanggang 29; robbery mula 93 hanggang 54; pagnanakaw mula 225 hanggang 147; at carnapping mula 9 hanggang 4 at 37 hanggang 18 insidente.

Binanggit din ang naging mapayapang SONA 2023 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na ginanap sa Quezon City.

Lumahok sa pagpupulong si P/MGen. Jose Melencio Nartatez Jr., hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), mga city mayors, iba’t-ibang local agency heads at government security group directors.

Nagpahayag ng pasasalamat si Quezon City Police District (QCPD) P/BGen Redrico Maranan sa RPOC-NCR sa pagkilala sa pagsisikap ng kapulisan sa lungsod na maibaba ang mga krimen.