Mayor Maria Sheila “Honey” Lacuna

Manila Christmas Grand Bazaar start na

December 12, 2023 Edd Reyes 172 views

PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Maria Sheila “Honey” Lacuna-Pangan at Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang pagbubukas ng Christmas Grand Bazaar sa Mehan Garden noong Lunes.

Inorganisa ang taunang Christmas Grand Bazaar, na naglalayong maitaguyod ang maliliit na mga negosyante, sa Maynila ng Bureau of Permits na pinamumunuan ni Director Levi Facundo at ng Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO) sa pakikipagtulungan ng Robinsons Manila.

“Ako po ay nagpapasalamat sa Bureau of Permits dahil nahikayat po nila ang ating maliliit na negosyo na maging kasapi dito sa ating Grand Bazaar na mabigyan naman sila ng pagkakataon na mamuhay o makapaghanapbuhay lalung-lalu na po ngayong Kapaskuhan,” pahayag ni Mayor Honey.

Aabot sa 100 na maliliit na negosyante ang magbebenta ng iba’t-ibang magagandang produkto at pagkain na angkop bilang pang regalo ngayong Kapaskuhan.

“Tangkilikin naman po natin sila. Napakarami pong magagandang mabibili rito saktong-saktong pang-regalo para sa inyong mga mahal sa buhay,” sabi ni Mayor Honey.

Magbubukas ang naturang bazaar,ng alas-3:00 ng hapon hanggang alas-11:00 ng gabi at tatagal hanggang Enero 2, 2024

Kabilang sa mga dumalo sa pagbubukas ng bazaar sina Robinsons Malls Vice President for Marketing and Operations Joel Lumanlan, Senior Marketing Director Jess Zuleta, Operations Director NCR Malls Myron Lawrence Yao, Regional Operations Manager Malou Rhom, Robinsons Manila Mall Operations Manager Tuason Bon Kim Chan, City Engineer Armand Andres, City Electrician Randy Sadac, at iba pang mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

AUTHOR PROFILE