Villar

Pag-unlad ng livestock, poultry, dairy industries isinusulong ni Sen. Cynthia

May 27, 2024 PS Jun M. Sarmiento 86 views

ISINUSULONG ni Sen. Cynthia Villar ang pag-unlad ng livestock, poultry at dairy industry para tiyakin ang food security ng bansa.

“These industries account for more than a quarter of agricultural output in 2023,” ayon kay Villar, chairperson ng Senate committee on agriculture and food.

Aniya, mula sa baboy at manok, tinatayang 29.8% percent ang Filipino protein consumption.

Binanggit din niya na maaaring magkaroon ng protein deficiency at malnutrition dahil sa hindi kakayanin ng maraming Pilipino ang mataas na presyo ng mga ito.

“The hog sector in the country is still struggling against the African Swine Fever outbreak since 2019 and needs to bounce back to support small hog raisers and commercial farms to support the basic food needs for pork,” ani Villar.

Ang ASF ang responsable sa P100 billion na lugi ng sektor.

Kailangan din ng poultry sector ang sustainable inputs gaya ng feeds, gamot laban sa mga peste at mga sakit para sa mas efficient na sistema ng produksyon.

“Imported milk in the country accounts for 99 percent of supply which makes milk unavailable and unaffordable to our growing population,” sabi pa ng senador.

Igiinit niya na kailangan din ng matinding suporta ng ating milk production para matugunan ang local demand, lalo na sa milk feeding programs sa ating mga paaralan at iba pang institusyon na nangangalaga sa ating mga bata.

Gusto din ni Villar na maging competitive ang Livestock, Poultry and Dairy Industries kapag naipaasa ang Senate Bill No. 2558 sa ilalim ng Committee Report No. 193 or “An Act Strengthening the Livestock, Poultry and Dairy Development and Competitiveness, Rationalizing the Organization and Functions of Relevant Government Agencies, Creating an Competitiveness Enhancement Fund Therefore.”