Default Thumbnail

Pacquiao pinagkakatiwalaan sa Pulse Asia; BBM focused sa pagbangon ng PH, Isko sa paghilom

October 11, 2021 Tess Lapuz-Lardizabal 427 views

tessAND they’re on.

Nag-umpisa na ang karera sa pagka-Pangulo at kanya-kanya nang kinang ang mga kandidato upang mapalapit sa kanilang mga minamahal na mga kandidato.

Lumutang si Senador Manny Pacquiao bilang top 1 sa pinaka pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino sa mga presidential candidate, batay sa Pulse Asia Survey nitong Setyembre.

Sa tanong na, “In your opinion, who among the following probable presidential candidates will not steal from the government?” pinakamarami ang sumagot na si Pacquaio at sa mg ana-interview, 20% ang nagsabi na para sa kanila ay hindi magnanakaw si Pacquaio. Sumunod naman sa kanya si Davao City Mayor Sara Duterte na nakakuha lang ng 12%. Batay ito sa privately commissioned na rider question ng Pulse Asia survey.

Nakamit umano ni Pacquaio ang most trusted rating dahil sa malinis nitong imahe at reputasyon. Tumatak din umano sa isip ng mga tao ang pagiging maka-diyos ng mambabatas. Naging ambag din ang kanyang sportsmanlike na attitude pagdating sa ring, at kababang-loob kaya nakuha nito ang tiwala ng mga tao. Malaki rin umano ang kontribusyon din umano dito ang mga media photo at video ni Pacquaio kasama ang ilang mga world leader tulad ng mga American president na sina President Clinton, President Obama, at noo’y Vice President Biden, gayundin si Prince Harry ng England.

Kasama ang pagtaas sa sahod ng nurses at healthcare workers sa bansa sa nilalaman ng ‘Tawid-Covid, Beyond Covid’ na programa ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa oras na mapagtagumpayan ang 2022 elections.

Gamit ang ‘Tawid-Covid, Beyond Covid’ program, binabalak patibayin ni Marcos ang buong healthcare system ng bansa sa pamamagitan ng paglalaan ng mas malaking pondo para sa pasahod at benepisyo ng mga healthcare worker, pagdagdag sa mga pampublikong ospital at pagpapalakas ng medical research capability ng bansa.

Magiging katuwang ni Marcos sa pagbuo ng programang ito ang ilang mga kinatawan mula sa medical and scientific research sectors ng bansa.

Naniniwala si Marcos na dapat gawing prayoridad ang pagsasaayos sa kalagayan ng frontline medical workers kabilang na ang mga nurse upang masigurong matibay ang health care system ng bansa sa gitna ng pandemya.

Samantala, si Mayor Isko Moreno naman ay naka-focus sa paghilom ng bansa kugn siya ay papalarin.

Nangako siya ng pagbabago at paghinilom sa bansa na parang bandila ng Pilipinas na kanyang hahabihin mula sa hibla at mga sinulid ay manggagaling sa mga Pilipino.

Kasama sa kanyang gagawing paghilo ay ang hindi pagsisisi sa mga nakaraang adminsitrasyon ang kanyang mga kakaharing pagsubok.

Ilan lang ang tatlong ito sa 97 na personalidad na naghain ng COC upang tumakbong presidente. Ang listahan ay bumaba na mula sa 130.

Sa Mayo 2022, ay magkakaalaman kung sinong kandidato ang tumatak sa puso at isipan ng mga mamamayang Pilipino.

Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa 09178438487 o mag-email sa [email protected]