Default Thumbnail

Libreng sapatos sa 100 delivery riders handog ng SM Supermalls sa Bulacan!

October 11, 2021 Marlon Purification 502 views

Marlon PurificationKOMPORTABLE nang makapagtatrabaho ngayon ang mga delivery riders sa lalawigan ng Bulacan.

Ito’y matapos silang regaluhan ng SM Supermall sa Marilao, Pulilan at Baliwag ng kani-kanilang sapatos na magagamit nila sa pamamasada.

Nabatid na ang libreng sapatos sa mga delivery riders ay bahagi ng ‘100 Days of Caring Campaign’ ng SM bilang hudyat sa pagsisimula ng Christmas season na sa kabila ng dinaranas na lungkot dulot ng pandemya ay pilit binabangon ang moral at ibinabalik ang sigla ng ating mga kababayan.

Pagkilala rin ito ng SM management sa mga bayaning frontliners, tulad ng mga delivery riders na malaking tulong para mapagsilbihan kapwa ang mga negosyante at kanilang mga parokyano.

Sa panimula’y 100 delivery riders ang pagkakalooban ng bagong pares na sapatos, ngunit may plano rin ang SM management na handugan din ang 10,000 kababayan sa Bulacan, partikular na ang mga nangangailangan, ang mga masisipag na SM employees, medical frontliners, iba pang delivery partners at marami pang iba.

“Christmas may not be as festive as the revelries of pre-pandemic times but it can be more meaningful” ani SM City Marilao Mall Manager Engr. Emmanuel Gatmaitan.

“This campaign is close to our heart because SM’s shoe gift giving signifies our humble beginning, our legacy, and our pledge in making our communities better; after all SM started out with shoes,” dagdag pa ni Engr. Gatmaitan.

Ilan sa unang nabiyayaan ng mga bagong sapatos ay ang mga delivery riders sa Mervilla Toda sa Marilao; Rambol at Pagala Toda sa Baliwag; PC Joda Transport at Pultopa Inc. sa Pulilan.

Sinabi ni Allan Eugenio ng Mervilla Toda, napakalaking bagay ang ibinigay ng SM dahil karamihan sa kanila ay walang kakayahang makabili ng sapatos. Sa liit aniya ng kita nila ngayong pandemya, mas inuuna nilang bilhin ang pagkain para sa kanilang pamilya kaya kahit nakatsinelas ay pinagtsatsagaan na nila ito.

Iyong iba naman sa kanila ay mga sira at butas-butas na ang saplot ng kanilang mga paa.

“Our shoe gift is our humble way of showing our appreciation to the riders who put their lives at risk by delivering food and other necessities to our customers,” sabi naman SM City Baliwag Assistant Mall Manager Eugene Martin.

Bukod sa libreng bagong sapatos, binigyan din ang masusuwerteng delivery riders ng towels at iba pang sanitation and hygiene materials na malaking bagay din para sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating mga bayaning riders.

Sa puntong ito, pinupuri natin ang pamunuan ng SM Supermalls sa lalawigan ng Bulacan.

Nagpapakita ito na kayong mga malalaking kompanya ay may pagpapahalaga pa rin sa ating mga kababayan, partikular na ang dakilang frontliners tulad ng mga delivery riders.

Tunay na papalapit na ang Pasko, ngunit sa kabila ng kalungkutan at kalungkutan na likha ng pandemya ay pilit pa rin ninyong pinapasaya ang ating mga kababayan.

Mula sa hanay ng mga delivery riders, tanggapin po ninyo ang aking personal na pasasalamat at pagbati sa SM Bulacan

Thank you sa inyo at marami na namang napasaya ang SM management, lalo na sa lalawigan ng Bulacan.