Ate Vi

Ate Vi pahinga, Willie ayaw sa pulitika

October 11, 2021 Joey Aquino 477 views

VILMA Santos-Recto and Willie Revillame shy from national elections 2022.

Nasorpresa ang lahat sa hindi pagtakbo ni Ate Vi sa kahit na anong posisyon sa darating na national elections. Matatandaan na isa siya sa mga pinagpilian ng ilang political party para maging Vice Presidential bet nila. But she promptly declined the endorsement. Some thought she would gun for the senatorial race. Pero maging ang kanyang pagiging Batangas 6th district representative sa pangalawang termino ay hindi na rin niya itutuloy. Taking her congressional post in the local elections is her husband Senator Ralph Recto. Ayon sa kanyang pahayag, ang limitasyon sa pangangampanya at kasalukuyang sitwasyon ang pangunahing rason ng kanyang pansamantalang pamamahinga sa public service. Maganda ang track record ni Ate Vi sa pagiging public servant. Kaya marami ang nanghihinayang sa di niya muling pagtakbo sa eleksyon.

Samantala, hindi rin nagpatangay sa agos si Willie kaya marami ang humanga sa kanyang naging desisyon. Umingay ang diumano’y pagtakbo niya sa pagiging senador. Ngunit tinuldukan na ang nasabing ispekulasyon nung hindi siya humabol sa huling araw ng filing para sa certificate of candidacy last October 8. Inamin ng TV host na hindi raw siya magaling mag-English at wala siyang alam sa batas. Dahil dito, marami ang humanga sa kanya. Unlike others, Willie is not taking advantage of his popularity in running for an elective post. Kaya tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay saya at tulong niya sa kanyang programang Wowowin.

Both Ate Vi and Willie are out of the national elections next year. But as they say, it’s not yet final until it’s final. Sabi nga nila, hanggang November 15 pa ang substitution deadline. Dahil dito, mababago pa kaya ang desisyon nina Ate Vi at Willie? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE