Default Thumbnail

Umabot na sa P12-B ang nahuling kontrabando ng BoC

October 11, 2021 Vic Reyes 394 views

Vic ReyesKAGAYA nang katiwalian at korapsyon, nandyan pa rin ang ismagling bansa.

Ito ay sa kabila ng pinaigting na kampanya laban sa iligal na negosyong ito.

Maliban sa technical smuggling, nandyan pa rin ang outright smuggling.

Mahirap masawata ang outright smuggling dahil sa haba ng ating coastlines.

Kulang na kulang tayo sa sasakyang dagat para mabantayan ang coastlines ng bansa.

Mabuti na lang at kahit papaano ay nasasakote ng Bureau of Customs (BOC) ang mga kontrabando.

Sa katunayan, hindi pa nga natatapos ang taon ay umabot na sa mahigit na Pl2 bilyon ang halaga ng nakumpiskang puslit na produkto.

Noong nakaraang taon ay umabot ng Pl0.6 bilyon ang halaga ng nakumpiskang kontrabando.

Karamihan dito ay sigarilyo at mga pekeng produkto.

Tama ang ginagawa ng BoC, tuloy lang ang trabaho para mapilayan ‘yang mga ismagler.

***

Kung minsan, hindi na pinapansin ng mga tao ang sinasabi ng mga kandidatato.

Kasi nga naman parang mga sirang plaka ang mga kandidato kapag nagtatalumpati.

Panay pangako ang naririnig sa kanila.

Ang problema ay kapag naupo na sa gobyerno ay nakakalimutan na ang mga pangako.

Ni hindi mo na nga mahagilap pagkatapos ng eleksyon dahil nagtatago na ang karamihan sa kanila.

Ang iba naman, hindi mo makapanumbat dahil binayaran naman ang boto nila.

Iyan ang masama sa mga ipinagbili ang nag-iisang boto para lang kumita ng kaunti.

Inalis na nila ang karapatang magreklamo kung magnakaw man ang ibinoto kanilang ibinoto.

Kaya sana sa darating na halalan, tigilan na natin ang pagbebenta ng ating boto.

Siguruhin natin na matino at makatao ang ihahalal nating kandidato.

Wad na tayong magpabola sa mga ganid sa kapangyarihan.

Alang-alang man lang sa mga susunod na henerasyon.

Baon na utang ang ating ka-apu-apuhan.

***

Dahil sa patuloy na pananalasa ng COVID-l9, marami pa rin ang namamatay, nawawalan ng trabaho at nagugutom sa buong mundo.

Sa Pilipinas, natututo na ang mga taong mag-adjust sa mga pagbabagong dulot ng pandemya.

Dahil dito, maraming kababayan natin ang lumawak ang kaalaman.

Pati ang mga hindi nakapag-aral ay alam na ang nangyayari sa buong mundo.

Ang masama lang sa iba, dahil laging nasa bahay, wala silang magawa kundi mag-aral gumamit ng celfon at iba pang gadget.

Kaya kung minsan ito ang pinagsisimulan ng away o hiwalayan ng mag-asawa.

Marami kasing nahuhuli na may kulasisi dahil sa celfon.

Ang iba naman, walang nang nagagawa sa bahay dahil pulos pagsu-social media ang inaatupag.

Kawawa tuloy ang mga asawa nilang pagod at gutom pagdating ng bahay.

Tsk tak tsk.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #(0969) 037 7083/email/[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE