Default Thumbnail

P4P sa SMC: Maging transparent sa petisyong taas-singil sa kuryente

October 23, 2022 People's Tonight 301 views

PINAYUHAN ng Power for People Coalition ang San Miguel Corporation (SMC) na maging transparent sa kamakailan nitong petisyon na taasan ang singil sa kuryente sa lugar ng prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco).

Sa paglalathala ng liham mula sa Energy Regulatory Commission (ERC), sinabi ng energy consumer advocacy group pinapabulaanan nito na pumanig ang Regulatory Operations Service (ROS) ng ERC sa joint motion ng SMC at Meralco na itaas ang singil sa kuryente na itinakda ng 2019 power supply agreements (PSA) sa pagitan ng dalawang kumpanya.

“The ERC has confirmed the claims of SMC and Meralco on price impacts were unaligned with computations of its ROS in many ways,” pahayag ni Gerry Arances, P4P Convenor.

Ayon kay Arances tila nagbago ang tono ng mensahe ng SMC, matapos ipahayag ng pangulo nito at CEO Ramon Ang na ang conglomerate ay may sapat na pera upang makuha ang anumang pagkalugi mula sa fixed price ng PSA.

Sinabi pa ng consumer energy advocate na ang posisyon ng SMC bilang isa sa pinakamalaking GenCo sa bansa at bilang publicly-held corporation ay kinakailangan na maging tapat sa mga pahayag nito sa publiko.

AUTHOR PROFILE