department of agriculture

P35M halaga ng expired na karne nakumpiska sa Bulacan

July 11, 2023 Zaida I. Delos Reyes 285 views

AABOT sa P35 milyong halaga ng expired na karne ang nakumpiska ng mga tauhan ng Department of Agriculture sa isang imbakan s Meycauayan , Bulacan kaninang umaga.

Sa inisyal na ulat, ang mga expired na karne ng baboy at baka ay inire-repacked at ibinibenta sa palengke.

Sinasabing ang mga karne na nangangamoy na ay mula sa India at Germany.

Wala namang naaresto sa operasyn dahil ang may-ari ng warehouse ay nasa ibang bansa.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng awtoridad upang malaman kung sino ang nasa likod ng illegal na gawain.