Default Thumbnail

P2k monthly ayuda para sa pamilya na may anak na PWD, isinulong

February 5, 2023 People's Tonight 367 views

DALAWANG mambabatas at isang partylist ang nagsanib pwersa sa paghahain ng isang panukalang batas para bigyan ng buwanang ayuda ang mga pamilya na may anak o miyembro na person with disability (PWD).

Inihain nina Davao City Congressman Paolo Duterte, Eric Yap ng Benguet, at sina ACT-CIS Cong. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, at Jeff Soriano ang House Bill 6743.

Sa ilalim ng nasabingg panukala na pinamagatang “Monthly Subsidy for Parents with Children with Disability Act,” makakatanggap ng P2,000 na monthly pension ang mga magulang na may anak na PWD na ang edad ay 21 taong gulang pababa.

Ayon kay Cong. Duterte, “tulong ito ng estado sa mga magulang sa gastusin nila sa maintenance medicine o therapy ng kanilang PWD na anak”.

“Binase namin ang bill na ito sa pag-aaral ng DSWD sa panahon ni dating Sec. Erwin Tulfo na mas hirap ang pamilya na may PWD pagdating sa gastusin,” ayon naman kay Cong. Yap, na isa rin sa mga may-akda ng panukala.

“Alam namin na hindi ito sapat pero kahit papaano ay makatulong sa gastusin buwan-buwan sa pangangailangan ng PWD na anak,” dagdag naman ni Cong. Soriano.

AUTHOR PROFILE