Default Thumbnail

P120K piyansa sa bebot na dinampost sa kasong libel

July 12, 2023 Jonjon Reyes 247 views

ISANG daan at 20 libong piso ang inirekomendang piyansa sa pansamantalang paglaya ng 27-anyos na dalaga na inaresto dahil umano sa libel makaraang isilbi ang arrest warrant sa harap ng bahay nito sa Lungsod ng Pasay, Martes ng hapon.

Nakilala ang suspek bilang alias Rose, walang trabaho at residente ng Tengco Street, Pasay.

Ayon sa ulat na isinumiti ni Police Staff Sargent Solomon Bataller kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, Manila Police District – Malate Police Station 9 commandet , bandang 5:30 p.m. nang maaresto ang dalaga.

Pinangunahan ni Police Major Salvador Iñigo Jr., hepe ng Station Intelligence Branch , katulong si Police Captain Jose Ric Morelos ng Warrant Section, nang mamataan ang suspek sa harap ng kanyang bahay.

Bitbit ng mga otoridad ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Maria Victoria A Soriano- Villadolid, ng Regional Trial Court Branch 24 ng City of Manlla, para sa kasong libelo.

Dinidinig ang kaso ng dalaga sa husgado.

AUTHOR PROFILE