Todas

Tinodas dahil nanghimas

June 26, 2024 Melnie Ragasa-limena 271 views

PINATAY sa saksak ang isang construction worker ng kaniyang katrabaho matapos umano niyang hipuan ang kapatid na babae ng huli habang nakikipag-inuman nitong Martes ng gabi sa Quezon City.

Nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Analito Mergullas Penados, 49 , residente ng Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Arestado ang suspek na si Jose Mark Espinosa Lobrio, 31, ng Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Ayon sa report, nangyari ang insidente dakong alas 9:30 ng gabi nitong Martes sa bahay ng suspek.

Bago ito, nag iinuman ang suspek kasama ang mga kamag-anak at biktima nang mapansin ng una ang paghimas ng biktima sa hita ng kanyang kapatid na babae na si alyas Ana.

Agad kumuha ng kutsilyo ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dinala sa Rosario Maclang General Hospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.