P.8M shabu narekober ng MPD

November 29, 2021 Francis Naguit 123 views

ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang dalawang individual sa unang inilatag na buy-bust madaling araw nitong Lunes kung saan nakasamsam ng nasa 20 hanggang 25 gramong hinihinalang shabu na aabot sa halagang P170,000 sa Tondo, Manila.

Nakilala ang dalawang suspek na sina Rommel Mananghaya, 41, may asawa, tambay, ng Brgy. 129 Zone 11 sa 226 Int.l Honorio Lopez Boulevard, Balut at si Monica Glenda Andal, 26, dalaga, ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ni P/ Lt.Col. Harry Ruiz Lorenzo lll, MPD- Jose Abad Santos Police Station 7 commander, bandang 3:55 a.m. nang ikasa ang buy-bust sa Tayuman St.malapit sa G. Perfecto Street sa Tondo Pinangunagan ni P/ Lt. Joan Dorado ang operasyon kung saan isa sa kanyang mga tauhan ang nagpanggap na bibili ng droga.

Sa ipinain ni P/ Cpl. Glenn Gilbert Pastor na marked money, ay nag-abot ng mga suspek ng dalawang sachet na may lamang hinihinalang shabu.

Sa naturang operasyon, nakasamsam pa ng may 25 gramo na shabu na may street value na P170,000.

Nahaharap ang dalawang sa kasong paglabag sa Article 9165 (Dangerous Drug Act of 2002). Si Andal lamang ay pinayagang mag-bail ayon, sa dokumentong isinagawa ni P/ Cpl. Remedios Cruz, may hawak ng kaso.

Samantala P680 halaga ng shabu ang nakumpiska at limang katao ang natimbog sa area ng MPD Station13 sa Baseco, Port Area.

Inaresto ang limang katao kabilang ang sinasabing tulak ng iligal na droga at apat niyang kasama matapos na makuha sa kanila ng tinatayang 100 gramo ng shabu sa isinagawang buy bust ng MPD PS13.

Alinsunod sa pinaigting na kampanya kontra Droga ni MPD Dir. Police Brig.General Leo “Paco” Francisco ay puspusan ang ginawang operasyon ni Police Lt. Col. Robert Domingo, hepe ng MPD Station 13, sa Baseco Compound.

Isinagawa ang buy bust sa pangunguna ni Station Drug Enforcement Unit, chief Police Maj. Edwin Fuggan sa Blk 9 Extension, Baseco Compound sa Brgy 649.

Kinilala ang mga naarestong suspek na umano’y tulak na si Nasser Said Diwaling, alyas Didi 17; Lito Florentino, 40; Imelda Palmida at Tessie Tuante, 48, anyos pawang mga residente sa nasabing lugar.

Matagumpay naman na narekober ng mga operatiba ang ginamit na buy bust money at ang shabu na may timbang na 100 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P680,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5, 11 and 26 Art. II of R.A. 9165 si Nasser at ang apat nitong kasamahan na kasalukuyang nakakulong sa nasabing prisento

Agad pinasalamatan at pinuri ni MPD Dir. Police Brig. Gen.Leo M.Francisco at NCRPO Chief Police Maj.Gen.Vicente Danao Jr. ang Team Paco at MPD Manila’s Finest sa kanilang kasipagan sa paghuli sa mga drug pushers at sa walang sawang pag suporta sa kampanya kontra droga. Francis Naguit & Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE