Liza

Ogie, direktang kinontra si Liza

March 3, 2023 Vinia Vivar 261 views

Sa kanyang latest vlog ay sinabi ni Ogie Diaz na sa pagkakatanda niya ay ginusto ni Liza Soberano ang screen name na “Liza” dahil nag-meeting pa sila noon tungkol dito.

Kwento ng talent manager, Hope Elizabeth Soberano ang real name ni Liza at ang unang screen name nito ay Hope Soberano.

Dahil isang syllable lang ang Hope, naisip ni Malou Santos ng Star Cinema na gawin itong Liza mula sa “Elizabeth.”

Nagustuhan ng lahat ang pangalan. Pati si Liza ay nag-agree.

Kaya sey ni Ogie, nagtataka siya kung bakit parang nakalimutan ni Liza ang mga pangyayari gayung ang alam niya ay matalas ang memory nito.

Isa pang kinorek ni Ogie ay ‘yung tungkol sa sinabi ni Liza wala siyang boses sa kanyang career. Hindi raw ito totoo dahil lagi raw tinatanong ang aktres ng kanyang opinyon lalo na sa mga proyektong inihahain sa kanya.

Kaya nga apat na pelikula lang ang nagawa ni Liza sa Star Cinema dahil ang aktres talaga ang pumipili ng mga proyekto na gusto niyang gawin.

Maging ‘yung huling pitching ng Star Cinema kina Liza at Enrique Gil na adaptation ng hit Korean drama na It’s Okay To Not Be Okay ay hindi tinanggap ng dalawa. Ibig lang sabihin, may “say” ang aktres sa mga bagay patungkol sa career nito.

Naalala rin ni Ogie na si Liza rin ang may ayaw ng ibang kapareha at si Enrique lang ang gusto niyang leading man.

Tinanong daw noon ni Olive Lamasan ang LizQuen kung gusto nilang makapareha ang ibang mga artista.

“Ang natandaan kong sabi ni Liza ay baka hindi pa handa ang fans ng LizQuen, baka hindi nila matanggap. So, gusto pa rin ni Liza, si Enrique pa rin. So, si Liza pa rin ang nasunod.

“Kaya nagtataka ako du’n na hindi nabigyan ng boses si Liza sa kanyang mga idea, sa kanyang mga thought para sabihin kung ano ‘yung gusto niyang gawin. Na parang nakakulong lang siya sa kahon, parang diniktahan lang siya at nagmukha siyang bulaklak,” sey ni Ogie.

Hindi raw talaga ganu’n ang nangyari, pero baka ganu’n ang feeling ni Liza kaya gusto niyang intindihin kung saan nanggagaling ang dati niyang alaga.

AUTHOR PROFILE