Anne

Anne, kabado sa pagtakbo sa 2023 Tokyo Marathon

March 2, 2023 Ian F. Fariñas 345 views

ITATAAS ni Anne Curtis ang bandera ng Unicef PH sa una niyang pagsabak sa Tokyo Marathon na nakatakdang idaos sa Linggo, March 5.

Dalawang linggo ring nag-training si Anne para rito sa kagustuhang makatulong sa pagre-raise ng funds para sa mga batang biktima ng violence, abuse at exploitation.

Kasalukuyan nang nasa Japan ang aktres na aminadong ninenerbyos sa gagawing 42-kilometer run.

Bale ito ang ikatlong paglahok ni Anne sa isang international marathon.

Ang una niyang pagsali ay sa New York Marathon noong 2016 na sinundan ng London Marathon noong 2018.

Ito rin ang kauna-unahan niyang pagtakbo mula nang ipanganak ang panganay nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ng Unicef PH celebrity advocate for children na, “I met with the UNICEF PH team and I learned about how children and women are in need of child protection services.”

Ani Anne, tatapatan niya ang malilikom na donasyon para sa mga bata.

“I’m so nervous! I just want to thank everyone that has donated so far. No matter the amount, it is very, very much appreciated!” dagdag niya.

AUTHOR PROFILE