Liza

Liza, pumalag sa bashers … pahayag ng dating manager, sinagot!

March 2, 2023 Vinia Vivar 367 views

Sinagot ni Liza Soberano ang masasakit na salitang ibinabato sa kanya ngayon matapos niyang magsalita sa kanyang vlog patungkol sa naging journey ng kanyang career.

Tinatawag ang aktres ngayon na ingrata, ungrateful at walang utang na loob.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Liza, sinabi ng aktres na sinasabi lang naman niya ang kanyang experiences at tinatanaw naman niyang malaking utang loob ang lahat ng magagandang bagay na nangyari sa kanyang career.

“I feel like a lot of people have mixed reactions towards my vlog, but I’m speaking from my experiences and I will reiterate that I am truly grateful for everything that I had and everything that I had experienced, everything that I have achieved in life. And I acknowledge that I wouldn’t have any of that if everybody along the way wasn’t there with me,” sey ni Liza.

Paglilinaw pa niya, “I’m not upset about it, I’m just stating facts.”

Napanood din daw ni Liza ang mga sinabi ng dati niyang manager na si Ogie Diaz sa vlog nito at sang-ayon naman daw siya sa mga sinabi nito pero nilinaw lang niya ang tungkol sa screen name na “Liza.”

“When I mentioned that in my vlog, that was more of me just stating a fact. I never mentioned that I didn’t like the name ‘Liza Soberano’ or that I wasn’t proud of it. It’s just the fact that I wasn’t the one who chose my name because that’s one thing that a lot of people don’t know about me.”

“I want to tell him that I’m very grateful for everything that he has contributed to me, personally and to my career. And I will always be grateful for that.”

Tungkol sa mga nagsasabing ingrata siya, bahala na raw ang tao na mag-interpret pero as far she’s concerned ay very thankful and grateful siya sa lahat ng mga taong nakatulong sa kanyang career.

“I guess my video was really up for other people’s interpretation but I know my piece and I am very grateful. I’ve never felt to express that I feel like before, even before I decided to sign for a new management company, I was always there for everybody who has helped me along the way and my journey.

“And even before, the number one thing I would always say to everyone is thank you, truly grateful. And that has not changed until now. I’m not upset about anything, I’m just stating facts, things I’ve experienced, things I’ve been through. And how I am moving forward from that,” she said.

Pwede pa naman din daw siyang tawaging “Liza” dahil gagamitin pa rin niya itong screen name.

AUTHOR PROFILE