Default Thumbnail

OFW HOSPITAL SA VISAYAS AT MINDANAO SUPORTADO NI CONG. MARISSA ‘DEL MAR’ MAGSINO

July 8, 2023 Marlon Purification 699 views

Marlon PurificationSUPORTADO ni OFW Partylist Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino ang plano ng Department of Migrant Workers (DMW) na magtayo ng hospital para sa mga Overseas Filipino Workers sa Visayas at Mindanao.

Sa isang pahayag, sinabi ni Magsino na napapanahong pagtuunan ng pansin ang lahat pangangailangan ng mga kababayang OFWs, sampu ng kanilang pamilya.

“It is crucial that our OFWs, both current and former, who have made significant sacrifices and contributions to our country, receive the best possible healthcare services in the hospital dedicated to them, thus the OFW Party List will work with DMW, as well as DOH on ensuring the upgrades of facilities and equipment of the OFW Hospital,” ang representante ng mga OFWs sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Batid ni Magsino ang maraming problema sa pagtatayo ng mga ‘health facilities, ngunit naniniwala siyang magiging maayos ito kung may masigla at produktibong koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Dapat ay maging malinaw aniya ang paglalagyan ng mga hospital para madani itong mapuntahan ng mga kababayan at maging aayos din ang ibibigay na serbisyo ng itatayong OFW Hospital.

“I strongly support calls to establish OFW Hospitals in the Visayas and Mindanao regions. Currently, the OFW Hospital is located in Pampanga, thus limiting its access to OFWS and qualified dependents in nearby areas,” ani Magsino.

Kung matatandaan, binatikos ni Senator Raffy Tulfo ang kapalpakan sa pangangalaga sa OFW Hospital sa Pampanga sa Luzon region dahil kahit May 2022 pa ito binuksan, hindi ito pinapasok ng mga pasyente.

Marami ang nagrereklamo dahil sa lahat ng mga nagpupunta sa hospital ay kailangan pang magpa-register online kaya parang isa itong ‘ghost town,’ na hindi pinupuntahan ng mga pasyente.

Para kay Magsino, importante ang “Information-dissemination.”

“Despite significant efforts to publicize its existence, many OFWs and their families remain unaware of the specialized healthcare services available to them in said hospital. To address this, we must intensify our promotional campaigns through various channels, including social media, community outreach programs, and collaborations with Migrant Workers Offices,” dagdag pa ng OFW Partylist.