Batangas Source: Batangas Police Provincial Office FB

Obrero timbog sa panghahalay

March 19, 2024 Jojo C. Magsombol 80 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Isang 34-anyos na obrero ang natimbog ng mga pulis dahil sa kasong panghahalay sa Brgy. Wawa, Siniloan, Laguna, noong Linggo, ayon kay Provincial Police public information office chief Police Major Dave Alex R. Mercado.

Sa report ni Batangas police director P/Col. Samson Belmonte kay Calabarzon Police Office chief P/Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, binata at residente ng nabanggit na barangay ang suspek.

Naaresto ang suspek alas-9:45 ng umaga ng Cuenca Municipal Police Station (MPS) na pinangunahan P/Capt. Eduardo Ventura Timbol II, officer-in-charge, kasama ang Siniloan police sa pangunguna ni P/Maj. Robin L. Martin.

Inaresto ang akusado sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu ng Lipa City Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 2 noong Marso 1, 2024 at walang inerekomendang piyansa para sa kanyang temporary liberty.

AUTHOR PROFILE