Turla

Obrero na may hypertension, diabetes nakitang bangkay na

September 1, 2023 Jonjon Reyes 291 views

BANGKAY na nang matagpuan ang isang 38-anyos na laborer sa loob ng kanilang barracks sa ginagawang eskwelahan sa Dapitan St., Sampaloc, Maynila Biyernes ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Reydan Bantes, ng Purok Narra, Poblacion, Malalag, Davao Del Sur.

Stay in ang laborer sa ginagawang eskwelahan sa nasabing lugar

Base sa report ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, Commander ng Manila Police District-Sampaloc Police Station 4, bandang 7:11 ng umaga nang madiskubreng ang bangkay ng biktima ng kanyang mga kasamahan.

Nagtatrabaho bilang field checker ang biktima at nakita pang gising ilang oras bago matagpuang patay.

Dahil dito, inutos ni Borbe sa kanyang mga tauhan na i-cordon ang lugar bago itawag sa homicide section.

Agad namang nagtungo ang isa sa imbestigador na si Police Captain Dennis Turla.

Ayon sa kapatid ng biktima, may diabetes at hypertension si Bantes.

AUTHOR PROFILE