Showtime

Noontime circus on television

March 21, 2024 Aster Amoyo 101 views

DAHIL sa pagkawala ng prangkisa ng dating nangungunang TV network ng bansa, ang ABS-CBN nung May 5, 2020 dahil sa pulitika na nangyari pa sa kalagitnaan ng pandemia, nag-iba ang landscape ng Philippine television industry.

Nang mawalan ang ABS-CBN ng broadcast frequency, more than half of their employees, stars, talents, in-house directors, writers, researchers, production people at iba pa numbering to thousands ay nawalan ng trabaho. For sometime, inakala ng marami na tuluyan nang magpu-fold-up ang kumpanya pero naging resourceful ang pamunuan ng former leading TV network para makahanap ng iba’t ibang paraan na sila’y makapagpatuloy sa kanilang pagbibigay ng impormasyon, entertainment at tulong sa publiko. Tulad ng kanilang TV broadcast, nawala rin ang kanilang radio broadcast kaya isa-isang nagsilipatan ang mga empleyado at talents sa iba’t ibang TV and radio networks.

The management of ABS-CBN made full use of their digital technology expertise para hindi sila tuluyang mawala at saka sila nakipag-alyansa sa iba’t ibang TV networks tulad ng Zoe (Channel 11), TV5 and eventually ang GMA, ang kanilang archrival noon para mapanood (although hindi lahat) ang kanilang mga major shows (excluding news programs) sa free broadcast on TV.

Ang maganda, marami pa rin sa mga loyal employees, stars and talents ang nanatili sa Kapamilya network sa kabila na walang kasiguraduhan ang magiging takbo ng kumpanya.

Never na inasahan ng publiko na mangyayari ang alyansa sa pagitan ng dalawang broadcast giants, ang ABS-CBN at GMA na nagsasalpukan noon in terms of ratings ang broadcast supremacy.

Dahil sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN at internal problems ng bagong pamunuan ng Television and Production Exponents, Inc. (TAPE, Inc.) at ng pioneer hosts ng longest-running noontime show na sina dating Sen. Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, nagkaroon ng shake up sa mga noontime programs.

Businessman-politician Albee Benitez put up his own production house, ang Brightlight Productions and produced it’s own noontime show on TV5, ang “Lunch Out Loud” gayundin ang kanilang Sunday musical show na “Sunday Noontime Live” kung saan naging hosts sina Piolo Pascual, Maja Salvador at Catriona Gray among others which was directed by Johnny Manahan or Mr. M na siyang dating head ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN. Sina Piolo at Maja ay dating mainstay ng “ASAP” Sunday musical show ng ABS-CBN. Pero hindi tumagal sa ere ang mga programa ng Brightlight Productions.

Nang mabakante ang lunchtime slot ng TV5, kinuha ito ng ABS-CBN for their long-running noontime show, ang “It’s Showtime”hosted by Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Amy Perez, Ogie Alcasid, Kim Chiu, Ryan Bang, Ion Perez at iba pa. Ang “It’s Showtime” na napapanood na rin noon sa A2Z (Zoe – Channel 11) ay nadagdagan ng free broadcast outlet sa TV5 kung saan din naka-ere ang iba pang mga major TV series ng Kapamilya.

Nang mag-take-over ang bagong pamunuan ng TAPE, Inc. sa pamamagitan ng mga anak ng TAPE, Inc. chairman, ang businessman at dating politician na si G. Romeo `Romy’ Jalosjos, doon nagsimula ang problema laluna sa tatlong poste ng “Eat Bulaga” na sina Tito, Vic & Joey na gusto nilang tanggalin. Nawalan na rin ng control ang dating president-CEO ng kumpanya na si G. Antonio `Tony’ Tuviera na pinalitan ng businessman at politician na si Romeo `Jon-Jon’ Jaloslos, Jr.

Sa halip na tanggalin ng bagong pamunuan ng TAPE, Inc. sina TVJ, inunahan sila ng tatlo at sumama sa kanila ang Dabarkads na binubuo nina Allan K., Jose Manalo, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, Paolo Ballesteros Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon at iba pa. Agad namang nakahanap ng bagong tahanan ang TVJ at Dabarkads sa TV5. Nang mawala ang TVJ sa “Eat Bulaga” which aired before sa GMA, kumuha ang TAPE, Inc. ng mga bago set of hosts na kinabilangan nina Isko Moreno, Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at iba pa. For a while ay ipinagpatuloy nila ang paggamit ng titulong “Eat Bulaga” pero hinabol sila ng TVJ na siyang tunay na nagmamay-ari ng titulo hanggang tuluyang mai-award sa tatlo ang title.

Nang lumipat ang TVJ sa TV5, gustong ilipat ng TV5 management ang “It’s Showtime” sa ibang time slot. Sa halip na pumayag ang ABS-CBN, dito sila nakipag-alyansa sa GMA na nagbukas ng pintuan sa kanila sa pamamagitan ng kanilang sister station, ang GTV.

July 1, 2023 nagsimula ang airing ng “E.A.T.” ng TVJ sa TV5 na ngayon ay balik na sa “Eat Bulaga”. Ito rin ang araw ng pagsisimula ng airing ng “It’s Showtime” ng ABS-CBN sa GTV ng GMA. Habang patuloy pa ring napapanood sa GMA ang “Tahanang Pinakamasaya” (kapalit ng pagkawala sa TAPE, Inc. ng titulong “Eat Bulaga”). Habang patuloy ang salpukan sa ere ng “Eat Bulaga” ng TVJ sa TV5 at ng “It’s Showtime” on GTV, patuloy naman ang pagsadsad sa ratings ng “Tahanang Pinakamasaya” na hindi na kayang i-sustain ng producer ng show.

March 2, 2024 ang last live airing ng “Tahanang Pinakamasaya” on GMA kasunod ang replays mula March 4 hanggang March 8 kung saan naglabas ng official statement ang TAPE, Inc. ng kanilang tuluyang pamamaalam sa ere. Dahil dito, naglabasan agad ng iba’t ibang espekulasyon ang marami na malamang ang “It’s Showtime” ang ipapalit sa nabakanteng time slot. Ang espekulasyon na `yon ay tuluyang nagkatotoo nang magkaroon ng pirmahan ng kasunduan sa pamamagitan ng ABS-CBN and GMA executives last Wednesday, March 20 na sinaksihan ng mga hosts, talents and production people sa likod ng “It’s Showtime” sa pangunguna ni Vice Ganda bagay na ikinatuwa ng lahat laluna ng mga loyal televiewers ng programa na magsi-celebrate na ng kanilang 15th anniversary sa Oktubre.

Kung nung July 1, 2023 nagsimulang mapanood ang “It’s Showtime” sa GTV ng GMA, ngayong April 6, araw ng Sabado naman matutunghayan ang programa sa GMA. Dahil dito, patuloy pa rin ang salpukan sa ratings sa pagitan ng “Eat Bulaga” ng TVJ at Dabarkads at ng “It’s Showtime” on GMA which has a wider reach.

Samantala, gaano kaya katotoo ang balita na lilipat umano ng studio ang “Eat Bulaga” sa nabakanteng studio ng APT Studios (along Marcos Highway in Cainta, Rizal) na pag-aari ng dating president/CEO ng TAPE, Inc. na si Mr. T (Tony Tuviera) na malapit sa kaibigan nina former Senate President Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Hindi rin kami magtataka kung muling mabuo ang alyansa sa pagitan ng TVJ at ni Mr. T. na nag-produce din noon ng ilang programa on TV5.

In the meantime, tiyak na magiging bongga ang pagsisimula ng “It’s Showtime” sa GMA on April 6 na tiyak ding paghahandaan ng “Eat Bulaga” ng TV5.

Tom seeing someone again

FILIPINO-American ex-PBB housemate-turned singer-actor Tom Rodriguez admits in an interview with `King of Talk’ Boy Abunda sa kanyang top-rating talk show on GMA, ang “Fast Talk with Boy Abunda” that the last two years after his break-up from his ex-wife, ang Kapuso actress na si Carla Abella was the darkest years of his life. He even entertained of ending his life but he’s glad that he’s surrounded with people na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya laluna ang kanyang pamilya sa Amerika at malalapit na kaibigan kaya hindi niya itinuloy ang kanyang balak.

Tom was devastated when he lost his (American) father na si G. William Albert Mott, Sr. nung March 2017 pero kakaibang depression ang kanyang naranasan nang magkahiwalay sila ng kanyang ex-wife na si Carla only a few months after their marriage.

Pagkaraan ng dalawang taon, matapos niyang mabuong muli ang kanyang sarili ay bumalik ng Pilipinas si Tom para ipagpatuloy ang kanyang interrupted showbiz career. He’s also seeing someone right now na nagbibigay sa kanya ng inspirasyon na ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng mga nangyari sa kanya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE