Default Thumbnail

NO. 1 MWP sa MPD timbog sa Misamis Or.

February 11, 2022 Jonjon Reyes 403 views

HALOS 14 na taon bago isinilbi ang arrest warrant sa isang 57-anyos na farm caretaker makaraang mamataan ito sa Purok 3, Barangay San Juan , Balingasag, Misamis Oriental, nitong Huwebes ng hapon.

Dahil dito hindi na nakapalag ng posasan ng mga tauhan ng Manila Police District ang suspek na nakilalang si Rolando Echano, hiwalay sa asawa at farm caretaker sa Curvada Purok 3 , Brgy.San Juan sa nasabing lalawigan.

Ayon kay P/ Lt.Col.Gene Licud, Commander ng MPD- Sampaloc Police Station 4 , bandang 4 p.m. noong Pebrero 10 nang arestuhin ng kanyang mga tauhan si Echano , dahil sa kasong pagpatay may ilang taon na ang nakakaraan.

Bitbit ng mga operatiba ng MPD ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Armando Yanga, ng Regional Trial Court , Br. 173 ng Manila, na inisyu noong Agosto 23, 2013 dahil sa kasong murder.

Napag-alaman kay Lt. Col. Licud na pinangunahan ni P/ Lt.Joseph Villafranca ng Warrant/ Investigation Section at ni P/ Lt. Laureano Larry Daligdig ng Intelligence Unit , sa direktiba na rin ni Lt.Col. Licud na arestuhin ang nasa top 1 most wanted sa area ng Sampaloc, Manila.

Dahil sa impormasyong nakalap ng pulisya,nagtungo ang buong team ng MPD- Station 4 , at sa pakikipag koordina nila sa tanggapan ng Misamis Oriental PPO, sa pangunguna ni P/ Lt.Adolfo Mercado Jr., agad na pinosasan nila ang suspek.

Si Echano ay pansamantalang nakakulong sa Balingasag Municipal Police Station , na napag alaman pa na may 5 na umano na nauna ng naaresto sa sala ni Judge Yanga sa naturang lugar. Ni JON-JON C. REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE