Nico

NIKKO, MATUTULAD KAY RENDON

September 12, 2023 Vinia Vivar 124 views

Nakatanggap ng warning ang aktor na si Nikko Natividad mula sa Facebook na nagsasaad na naka-violate siya ng rule sa FB community standards.

Ibinahagi ni Nikko sa Instagram ang screenshot ng FB page na may notification warning na “this page has shared posts that violate our Community Standards.”

Ang worry ng dating Hashtags member, baka matulad siya sa content creator na si Rendon Labador na tinangggalan ng account sa FB.

“Mukang susunod nako kay rendon labador,” ani Nikko.

Hindi naman nabanggit ng aktor kung ano ang ipinost niya na lumabag sa alituntunin ng FB.

Sa sumunod na post niya ay sinabi niyang magpapahinga muna siya sa social media.

“Mainit na tayo kay facebook at instagram kaya Magpapahinga po muna ako. Kailangan ko muna hanapin ang sarili ko. Maraming salamat netizen hanggang sa muli. Nagmamahal NIKKODAKS,” aniya.

Pero mukhang nagbibiro lang naman ang aktor dahil may pahabol siyang “babalik din ako soon. baka bukas ng gabe.”

Tawa naman nang tawa ang netizens kay Nikko at isang netizen pa ang nagpasalamat sa kanya dahil napapatawa siya ng aktor parati.

AUTHOR PROFILE