Sexbomb Mga larawan mula sa Instagram/@izzytrazona_aragon at @andreitrazona_

Sexbomb Izzy may mensahe sa anak na drag queen

September 12, 2023 People's Tonight 272 views

NAGPAHAYAG ng kanyang saloobin ang dating miyembro ng Sexbomb Girls na si Izzy Trazona-Aragon patungkol sa anak niyang lalaki na si Andrei na kamakailan lamang ay napabalitang isa na ngayong drag queen.

Sa isang Instagram post nitong Lunes, Setyembre 11, sumulat ng mahabang mensahe para sa anak si Izzy at sinabing lagi lang siyang nandiyan para kay Andrei at hindi magbabago ang pagmamahal ng ina para sa kanya.

“I miss you Drei, you’re always in my prayer… everyday. I love you so much. And that will never be changed,” pahayag ni Izzy sa caption ng post kalakip ang larawan nilang dalawa ng anak.

Nagbigay naman ng pahiwatig and dating miyembro ng Sexbomb tungkol sa hindi pagkakaunawaan ng anak at magulang.

“Sometimes, parents & their children have disagreements and its normal. But I know both sides have that pain in their [hearts] and wishes that they will just simply agree w/ each other. Both have their own reason of what they are fighting for,” pagpapatuloy ni Izzy sa caption.

Saad pa ni Izzy na kung taliwas man sa kanyang pananampalataya ang gagawin ng kanyang mga anak ay hindi niya ito sasang-ayunan.

“Once you told me, ‘you’ll never know what I feel kasi you we’re never in my shoes.’ Yes, I agree, same with me, hindi mo parin naman nararanasan maging magulang. All I want is for your best. Im holding on with the TRUTH that is written in the bible, the word of God. The One who created us,” ani Izzy.

“So if my children, the 4 of them, will do something that is against the faith that I have in Christ, that I will disagree. I point them to Jesus because with that I will be secured with their future. The best I know I can give to my children, more than richness, fame and all,” wika pa niya.

Ayon pa sa kanya, hindi niya masusuportahan ang anak kung pipiliin nito ang mga bagay na maaaring makakapagpahamak dito.

“Sino ba naman magulang ang gustong mapahamak ang anak? When all your motive is to save them sa mas masakit na pwede nilang maranasan. Ang buhay na wala si Kristo,” pagpapatuloy ni Izzy.

“Andrei anak, I love you so much to not support you on things that will harm you. I am always here for you… your mama, mahal na mahal kita,” aniya pa.

AUTHOR PROFILE