Julia

Julia sa isyu ng kasal kay Gerald: Ba’t n’yo ba kami minamadali?

September 12, 2023 Vinia Vivar 171 views

Viral ngayon ang video ng pagwo-walk-out ni Julia Barretto sa dinaluhang Preview Ball 2023 kamakailan.

Hindi umano nagustuhan ng aktres ang tanong sa kanya ng press hinggil sa pagkikita ni Gerald Anderson at ng ex-girlfriend nitong si Maja Salvador sa FIBA World Cup 2023.

Napanood namin ang video interview sa YouTube at feeling namin ay wala sa mood magpa-interview ang aktres although naka-smile naman siya at tumatawa-tawa during the interview.

Ang unang tanong sa kanya ni MJ Felipe ng ABS-CBN ay kung totoong secretly married na sila ni Gerald.

Natawa si Julia at sey niya, “No, walang ganu’n. Walang secret-secret. Mahirap magka-secret na ngayon sa mundong mabilis ang balita.

Ang sumunod na tanong ay mula naman sa kasamahang si Melba Llanera. She asked kung io-open ba ni Julia if ever (na ikasal siya).

“Bakit n’yo ba kami minamadali?” ang sabi ni Julia na naka-smile naman. “You know, we’re just in a really… we’re just really happy where we are in life and I really don’t… I mean, it’s something to look forward to pero ba’t n’yo ba kami minamadali?”

Ayon pa sa aktres, ang mga usaping ganito ay hindi dapat parating tinatanong at hindi niya maintindihan kung bakit sila minamadali.

“I feel like when that moment comes, it’s ummm, I don’t know, I just, I feel like it’s something to be shared when the two people are ready to share such a thing. I don’t think that it’s something that should be asked constantly. I feel like when the time comes, it comes.

“And I don’t know why everybody is rushing us and um, but yeah, we’re really happy where we are, I’m really happy where I am in my life and um, I don’t know, we’ll just find out one day but it’s not gonna come from an interview,” aniya.

May follow-up question pa si Melba kay Julia about it pero pinutol na ito ng aktres at sinabing “Can we not talk about it?”

Huling hirit na tanong sa kanya ay kung ano ang feeling niya sa pagkakabati nina Gerald and Maja.

“Oh, my goodness, Madame, that’s not the event for this. Babay,” ang sagot ni Julia at saka tumalikod at dire-diretso nang nag-walk-out.

Sari-sari ang naging reaksyon ng netizens tungkol dito. May nagsabing hindi talaga maganda ang question pero may nagsabi ring attitude ang aktres dahil pwede naman niya itong sagutin.

AUTHOR PROFILE