Kaye

Kaye sa viral TikTok video: Wala nga akong driver, bodyguards pa?

September 12, 2023 Vinia Vivar 214 views

Personal nang nilinaw ni Kaye Abad ang tungkol sa viral “bodyguards” video niya na talaga namang umani ng katakut-takot na reaksyon mula sa netizens.

Sa nasabing viral video sa TikTok ay makikitang may mga bumubuntot na bodyguard kay Kaye habang naggo-grocery siya.

Sari-saring opinyon ang mga nakapanood ng video na may positive at mayroon ding negative.

May nagsasabing OA naman ang aktres na pati sa paggo-grocery ay may bodyguards at mayroon din namang nagsabi na tama lang ito dahil sinisiguro ng aktres ang safety niya lalo pa nga’t rich ang angkan ng mister niyang si Paul Jake Castillo sa Cebu.

Sa panayam kay Kaye ni DJ Jhai Ho, inamin ng Tabing Ilog actress na naloka rin siya na nag-viral ang video.

“Nakakaloka! Actually, in-explain ko na ‘yan. I did not know that it was going viral until si Patty Yap, my friend, sent me photos,” ani Kaye.

Paliwanag pa ng aktres, nakipag-collaborate siya sa supermarket kung saan nga siya nakuhanan ng video.

Ang mga bodyguard daw ay ang supermarket mismo ang nagpadala.

“Nagpadala sila ng bodyguards. The bodyguards work for the supermarket and then, I told them na hindi ko na kailangan ng bodyguards kasi ‘yung mga Cebuanos, sanay naman na sa ‘kin na nag-iikut-ikot lang ako sa mall mag-isa.

“But then, sabi nila, ‘sige lang ma’m’ kasi inutos daw sa kanila,” ang paliwanag ni Kaye.

Sey pa ng aktres, “Wala nga akong driver, bodyguards pa?”

AUTHOR PROFILE