SJDM

NEW RIVER ADVENTURE PARK INILUNSAD SA SJDM

February 16, 2023 People's Tonight 285 views

Pinangunahan nina San Jose Del Monte City (SJDM) Mayor Arthur Robes at maybahay na si Rep. Florida ‘Rida’ Robes ang pagpapasinaya sa ‘New River Adventure Park’ na magiging bagong pasyalan ng mga San Joseño ngayon buwan ng mga puso na puwede ring pagdausan ng iba’t-ibang okasyon.

Bago pa maging alkalde, proyekto na ni Mayor Robes na magbuo ng mga parke at palaruan sa lungsod, habang plano na rin niyang lagyan ng bike at jogging lanes ang gilid ng river bank upang mapakinabangan. Masaya naman si Rep. Robes sa karagdagang pasyalan na bukod sa magandang lugar at malamig na simoy ng hangin, ligtas pang lakaran. Nais aniya nilang mag-asawa na gawing ‘highly urbanized city’ ang kanilang lungsod.

AUTHOR PROFILE