sarah

New look ni Sarah, wagi sa Popsters

June 28, 2021 People's Tonight 713 views

PASABOG ang bagong hairstyle ni Sarah Geronimo, huh! Lahat ay tuwang-tuwa sa maiksi niyang buhok ngayon.

Siyempre pa, naglulundagan sa tuwa ang Popsters sa new look ni SG.

Lalo na nga’t blooming na blooming siya bilang Mrs. Matteo Guidicelli, huh!

Mas panalo kapag nagsabi si Sarah na buntis na siya.

ELIAS AT AUSTIN, MAGKASUNOD ANG BIRTHDAY

MAGKASUNOD pala ang kaarawan nina Elias Modesto at Austin Ramsay, huh!

Unang nagdaos ng 3rd birthday ang anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na talaga namang pinagpistahan ng ilang celebs.

Pati ang manager ni Lloydie na si Maja Salvador, may sariling birthday post ng bagets sa Instagram account niya.

Then, sa isang IG post ni Derek Ramsay, sinabi niyang 18 years old na ang anak na si Austin.

Nasa Dubai nga lang ngayon ang teenager kaya hindi siya kapiling ng ama hindi gaya noong selebrasyon ni Elias na Spiderman ang tema ng party.

LIKE FATHER, LIKE DAUGHTER

PINASOK na rin ni Brianna Bunagan, anak ni Michael V, ang showbiz.

Bahagi na si Brianna ng GMA Artist Center pool of talents.

“I guess it was bound to happen,” rason ni Bitoy matapos batiin ang anak sa kanyang Instagram post.

Nagpakita naman ng suporta ang ilang entertainment personalities sa bagong journey ng anak ni Michael V, gaya nina Dawn Zulueta, Ogie Alcasid, Pia Guanio at iba pa.

Like father, like daughter ang mag-amang Bitoy at Briana, huh!. Mula kay: Jun Nardo

AUTHOR PROFILE