Heart

Netizens aliw sa payo ni Heart tungkol sa backstabbing

April 19, 2024 Vinia Vivar 63 views

Nagbigay ng payo si Heart Evangelista sa isang netizen na nagtanong tungkol sa backstabbing.

Ipinost ng aktres/global fashion icon ang video na sinasagot niya ang tanong ng isang netizen na “what do you do when someone backstabs you? Like ‘yung legit na gagawin.”

Ani Heart, “’Eto lang maibibigay kong advice, it always happens and it’ll always happen. So, lintek, ‘wag kang tatalikod.”

Dagdag pa niya, dapat ay naka-sideview lang dahil ‘pag nakaharap naman ay baka ang mukha ang tamaan.

“Matatamaan ang kabuhayan showcase (mukha). Pwede pang i-conceal ‘yun likod,” sambit niya.

Ang daming naaliw sa payo ni Heart at pinuri ang pagiging smart at pagka-sosyal sa pagsagot.

Narito ang ilan sa mga komento:

“Hahahaha panalo talaga mga sagot nya! Ang wiwitty.”

“Yung ang sosyal ng pagkakasabi ng ‘lintik wag ka tatalikod’ hahaha.”

“Winner yung sagot hahaha sabagay wag tatalikod bec they are where they suppose to be: behind you.”

May isa ring nag-comment na napaka-finesse ng patama ni Heart sa kabilang kampo.

Well, noon pa ay inamin naman ng aktres na may mga kaibigan siyang trumaydor sa kanya.

AUTHOR PROFILE