Angbeki

ANGBEKI TODO ANG PANG-AASAR KAY DARREN

April 19, 2024 Vinia Vivar 62 views

Reunited ang AngBeKi barkada nina Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu kaya out na muna si Darren Espanto.

Sa Instagram Story ni Kim kamakailan ay makikita ang video ng bonding moments nilang magkakaibigan. Kasama rin nila ang mister ni Angelica na si Gregg Homan at ang Swiss boyfriend ni Bela na si Norman Bay.

Tila nasa isang party sila at nagkakasiyahan.

Nagmukhang third wheel nga si Kim na walang kasamang partner.

Caption niya sa isang video, “AngBeKi reunite!!!”

Sey ni Bela, “sorry, Darren” at nagtawanan sila.

Hirit ni Kim, “Buo na kami ulit.”

Sabi ulit ni Bela, “Sorry, Darren, out!”

Pang-aasar naman ni Angelica, “I’m back!”

Tawanan ang tatlo.

Kamakailan lang kasi ay nabuo nina Darren, Kim at Bela ang “DaBeKi” group and got to spend some time together.

PATINDI NANG PATINDI

Kasing init ng summer ang palitan ng kuru-kuro ng mga Marites na netizens at viewers kung sino nga ba ang ama ng anak ng ni Amira (Elle Villanueva) sa revenge drama na Makiling.

Ngayong nabunyag na buhay pala ang anak ni Amira, bukod sa asaan ito ay isa pang tanong ang bumabagabag sa viewers: Sino ang ama?

Automatic daw na si Alex (Derrick Monasterio) ito para sa #TeamAlex dahil siya naman ang nobyo noon ni Amira bago pa nalagay sa panganib ang buhay ng bida.

Pero siyempre, ‘di patatalo ang #TeamSeb. Dahil na rin sa ilang ulit pinagsamantalahan ni Seb (Kristoffer Martin) si Amira noon, may teorya ang Seb-Amira shippers na siya ang naging ama ng pinagbuntis ni Amira.

Bukod sa paghanga ng viewers sa ipinapakitang akting ni Elle sa serye, tila marami rin ang kinikilig sa chemistry nina Elle at Kristoffer, ha.

Wish nga ng ilan, sana ay may next project sila together na sila ang magkapareha.

Naku, ano naman ang masasabi ng #TeamAlex dito?

Patindi na nga nang patindi ang episodes sa Makiling, na patuloy na namamayagpag sa GMA Afternoon Prime.

AUTHOR PROFILE