Angel

Neil, pumalag sa isyung hiwalay kay Angel: Fake news!

November 18, 2022 Jun Nardo 404 views

BINANATAN na ng businessman-producer na si Neil Arce ang mga nagpapakalat na may problema sa married life nila ng asawang si Angel Locsin.

Eh, nang lumutang kamaikailan ni Angel sa social media matapos maging missing in action ng ilang buwan, nasundan naman ‘yon ng balitang nagkakalabuan na sila ni Neil.

Lumabas sa reports ang text ni Neil sa vlogger/ talent manager na si Ogie Diaz ang reaksyon ni Neil sa balitang ito.

“Fake news!” deklarasyon ni Neil.

Ayon pa sa text niya, donasyon niya na lang ang kikitain nito sa nagpapakalat ng fake news na subscribers ng account nila.

Hayan, ha! Patahikim ninyo na sina Neil at Angel dahil walang problema sa married life nila.

Mel

‘MPK’, STAR-STUDDED ANG 20TH ANNIVERSARY

STAR-STUDDED ang 20th anniversary ng Magpakailanman ni Mel Tiangco ngayong buwan.

Matapos ni Gina Alajar, two parts naman ang life story ni Megan Aguilar na si Sanya Lopez ang bida.

Eh, kahit nahirapan kay Megan, nagawa rin nila ito.

Then nariyan ang gagawing episode ni Bea Alonzo na horror ang tema at first time gagawin sa TV ng aktres.

Nakakuha rin sila ng schedule kay Eula Valdez kaya mapapanood din siya sa isa sa anniversary episodes.

AUTHOR PROFILE