Default Thumbnail

Negosyante sa PPA tiklo dahil sa ‘droga’

July 1, 2022 Jonjon Reyes 253 views

INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang negosyante sa bisa ng arrest warrant sa kasong may kaugnayan sa droga sa loob mismo ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Port Area, Maynila nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay P/Major Cicero Pura, hepe ng MPD-District Special Operation Operation Unit (DSOU) ang suspek ay taga-Bgy. 479, Sampaloc, Maynila at tubong Bgy. Poblacion, Magsaysay, Misamis Oriental at naaresto bandang 11:30 ng gab sa Port Area.

Ang inihaing warrant of arrest ay inisyu ni Presiding Judge Caroline Rivera Colasito, ng Regional Trial Court (RTC) Banch 23 Manila dahil sa kasong paglabag sa Section 12 ng Republic Act 9165 dahil umano sa paggamit ng iligal na droga, at naaktuhang gumagamit diumano ng shabu.

Batay sa ulat na nakarating kay P/Major Philipp Ines, hepe ng MPD-Public Information Office, dahil sa pinaiiral na “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation” (SACLEO) sa direktiba na rin ni MPD Director P/Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco na paigtingin ang pagdakip sa mga lumalabag sa batas at mga most wanted sa station level.

AUTHOR PROFILE