Tolentino Sen. Francis Tolentino: “Brownlee is an exceptional player in the PBA, with an average of 29.29 points per game, 10.57 rebounds per game, and 7.43 assists per game. He has lived in the Philippines for over five years. His discipline and athleticism serve as an inspiration to the Filipinos. It would arouse the further patriotism and Pinoy pride in each and every one of us, especially in a sport very popular in the country.”

‘Naturalization’ Brownlee, didinggin sa Lunes – Tolentino

November 19, 2022 People's Tonight 238 views

NAKATAKDANG dinggin sa susunod na linggo ng Senado ang panukalang naturalization ni Barangay Ginebra San Miguel resident import Justin Brownlee.

Base sa inilabas na notice of public hearing ni Senate Committee on Justice and Human Rights chair Francis ‘Tol’ Tolentino nitong Huwebes, nakatakdang dinggin ng komite ang Senate Bill No. 1336—na layong bigyan ng Filipino citizenship si Brownlee—ngayong Lunes, ika-21 ng Nobyembre.

Maalala na sa pagdinig ng Senate Finance Committee sa panukalang budget ng Philippine Sports Commission (PSC), hinimok ni Tolentino ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na bilisan ang paghahain ng aplikasyon para sa naturalization ni Brownlee upang agad na maaskyunan ito sa kanyang komite.

Ang panukalang pagbibigay ng Filipino citizenship kay Brownlee sa ilalim ng SB 1336 ay bilang pagkilala sa pagnanais ng 6-foot-6 swingman ng GinKings na maging bahagi ng Men’s National Basketball Team sa ilalim ng Gilas Pilipinas sa nalalapit ng FIBA Basketball World Cup.

Sa ilalim ng eligibility rules ng FIBA, pinapayagan ang isang bansa na magkaroon lamang ng isang naturalize player sa bawat torneyo na lalahukan ng koponan.

“Brownlee is an exceptional player in the PBA, with an average of 29.29 points per game, 10.57 rebounds per game, and 7.43 assists per game. He has lived in the Philippines for over five years.

His discipline and athleticism serve as an inspiration to the Filipinos. It would arouse the further patriotism and Pinoy pride in each and every one of us, especially in a sport very popular in the country,” ani Tolentino.

Nitong ika-16 ng Nobyembre, lusot na sa Justice Committee ng Kamara ang House Bill No. 825 na layong isulong ang naturalization ni Brownlee.

Kung sakaling ma-aprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso, si Brownlee ang ika-apat na manlalaro na binigyan ng Filipino citizenship ng lehislatura.

AUTHOR PROFILE