Vic Reyes

Nasa tamang landas si BOC Chief Bien Rubio!

March 10, 2024 Vic Reyes 81 views

HANGAD ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na lalong mapabilis ang transaksyon sa mga opisina at ahensya ng gobyerno.

Talaga naman kasing marami ang nabubuwisit sa kabagalan ng serbisyo sa mga public offices.

Sa obserbasyon nga ng iba ay sinasadya ito para mapilitan ang taumbayan na magbigay ng “padulas” para lang maaprobahan ang mga idinudulog nilang problema sa mga sangay ng bbm pamahalaan.

Maliwanag na Ito ay “red tape” na kailangang matigil na kung gusto nating gumanda ang serbisyo sa iba’t ibang government offices.

Maraming dahilan ang mga tiwaling empleayado ng pamahalaan upang mapilitan tayong “maglagay” para makuha agad ang mahahalagang dokumento na ating kinakailangan .

Ito ay maliwanag na “red tape.”

Sa snake-infested waterfront ay umaksyon kamakailan si Commissioner Bienvenido Y. Rubio para lalong bumilis ang transaksyon.

Gagamitin na ng Bureau of Customs (BOC)) ang LandBank’s “BizPortal” para mapabilis ang “digital payment of miscallneous fees.”

Ito ang nakasaad sa isang memorandum of agreement (MOA) na pinirmahan nina Rubio at Landbank CEO Lynette Ortiz noong Marso 4.

Sa pamamagitan ng “Link BizPortal” ay mapapabilis ang smoother transactions at napa-foster pa ang “transparency and accountability.”

“The utilization of a digital payment system will further enhance greater efficiency, reduce bureaucratic red tape and improve overall service delivery,” ayon kay Rubio.

Dagdag ni Rubio: “The BOC aims to streamline payment processes. Minimize delays, and provide a more convenient and user-friendly experience for stakeholders.”

Ang signing ceremony ay dinaluhan din nina BOC officials Clarence S. Dizon, Michael Fermin at Kriden Balgomera.

Ang digitalization ng government processes ay naaayon sa tinatawag na eight-point socio-economic agenda ni Pangulong Marcos.

Kagaya ng gusto ni Pangulong Marcos, hangad rin ni Commissioner Rubio na mapabilis ang digitalization ng serbisyo at processes sa aduana.

Nasa tamang landas si Rubio sa kanyang ginagawang computerization efforts.

***

Malaking bagay ang temporary suspension ng operations ng Philippine National Railways (PNR) sa Metro Manila.

Apektado raw ang mahigit na 20,000 commuters araw-araw, ayon mismo sa Department of Transportayion (DoTr).

Ang limang taong closure ay para sa ginagawang 147-kilometer elevated railway system mula Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna.

Marami ang nangangamba na ang closure, na magsisimula sa Marso 28, Maundy Thursday, ay malaking sakit ng ulo sa mga commuter.

Kakayanin kaya ng mga bus na hakutin ang libu-libong pasahero na maaapektuhan ng pagsasara ng PNR operations sa MM?

Ang matindi pa nito, siguradong makadaragdag sa traffic congestion ang mga rutang dadaanan ng mga bus na ito.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa#0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE