Bully PATAY NA–Sinisiyasat ni Det. Sir Christian Joseph Pineda ang mga tama ng bala sa katawan ng biktima matapos pagbabarilin ng suspek habang isinalang ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa paraffin test ang suspek matapos na sumuko.

Nambu-bully na kelot binoga tigok

December 4, 2023 People's Tonight 200 views

Bully1TIGOK ang kelot sa Maynila noong Linggo sa insidente ng pamamaril kung saan nag-ugat sa pambu-bully ang pamamaril.

Sa Tondo, idineklarang dead-on-arrival sa pinagdalhang ospital ang unang biktima makaraang pagbabarilin ng isa daw agent ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pampanga St. malapit sa Juan Luna St., Gagalangin, Tondo, Maynila.

Tiklop at sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Rigor Almodovar, 55, ng Building 6, Brgy. 161, Tondo.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Hospital si Elmer Resurreccion matapos barilin pasado alas-9:00 ng gabi.

Batay sa ulat ni Det. Sir Christian Joseph Pineda kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 9:45 ng gabi nang barilin si Resurreccion.

Sinundan ang biktima at inakbayan ang suspek hanggang magkaroon ng pagtatalo na nauwi sa suntukan.

Ayon sa suspek, madalas daw siyang bulihin o alaskahin ng biktima kaya napuno na siya at nag-resulta sa pagbaril niya sa biktima.

AUTHOR PROFILE