Default Thumbnail

Nakakatakot na naman ang mga krimen, General Acorda!

August 25, 2023 Allan L. Encarnacion 304 views

Allan EncarnacionKUNG hindi nababahala ang PNP sa pagdami at pagtaas ng insidente ng holdapan cum mga krimen sa kalsada, malaki ang problema natin.

Marami kaming common frriends ni PNP Chief, Director-General Ben Acorda kaya importanteng may mga taong nagsasabi sa kanya kung ano ang tunay na sitwasyon on the grounds. Pag sinabi ng mga bata mo General na mababa ang crime rate at safe ang kalsada, dagukan mo agad!

Iyong insidente ng holdapan sa isang restaurant sa Imus, Cavite na nag-viral sa social media nitong nakaraang araw ay sapat nang dahilan para matakot tayong lahat.

Kumakain lang ang mga customers sa al fresco dining nang biglang dumating ang mga armadong lalaki at kinuha ang kanlang mga cellphones, mga bags at iba pang mga gamit.

Nitong isang araw naman, may nagpadala sa atin ng video mula sa dash cam na hinarang sa Skysway ng isang SUV ang sasakyang galing ng Okada para kunin ang pera.

Gusto nating tawagan ng pansin si General Acorda para imbestigahan ang dalawang insidenteng ito na nagpapakita kung gaano kadelikado sa ating paligid ngayon. Sa Skyway talaga? Paging Mr. Ramon S. Ang.

Kailangang isama ng pamahalaan sa priority ang pagsugpo sa kahit anong krimen habang hindi pa bumamalik sa 2010-2016 crime percentage level ang ating bansa. Sa mga panahong ito bumagsak ang trust at satisfaction rating ng gobyerno nang hindi nila pansinin ang talamak na krimen.

Ito iyong mga panahong matindi ang carjacking, martilyo gang, bank robbery, bus at jeepney robber na sinasabayan pa ng grabeng pagkalat ng droga kahit saan. Dito rin umusbong ang mga ambush ng riding in tandem at agawan ng cellphone kahit saan mula Caloocan City hanggang Baclaran.

Ang pinakamasakit sa ating lahat ay nang manlaban ang high school student sa snatcher habang nasa computer shop at inaagaw ang cellphone na matagal niyang pinag-ipunan mula sa kanyang baon sa paaralan. Ito iyong binatilyong sinaksak sa bumbunan at on the spot namatay. Dito na nagalit ang publiko, dito na sumadsad nang husto ang tiwala ng bayan sa pulis at pamahalaan.

May mga kinausap ako noon na nasa pamahalaan pero ayaw maniwala kaya ginulantang sila nang dumating ang isang araw, sila nang mga nasa pamahalaan ang public enemy number one.

Huwag na nating hintaying dumating ito DILG Secretary Benhur Abalos at General Acorda.

Hindi na kailangan pang si Pangulong BBM ang kumilos sa ganitong problema dahil nakapakarami niyang trabaho para sa bansa.

Katulad ng mga nauna na nating naisulat, ang dami na ngang common criminals na gumagala, nakikisali pa sa krimen ang ibang pusakal na pulis na lalong nagpapalubha sa sitwasyon.

Itong mga talamak na krimen ang dapat isinamasa sa imbestigasyon ng Senado. Ang problema lang natin sa Senado, ang daming grand standing, mag-iimbestiga pero postura nila ang inuuna.

May mga nakatingin na sa 2025 at 2028 elections kaya kapag nakikita natin ang Senate investigation in aid of legislation, parang mga mababangis ang mga nagtatanong, lalo na kapag natutukan ng camera!

Iyong totoong imbestigasyon naman na walang iniisip na eleksiyon, pls!

[email protected]