Nadine Larawan mula sa IG/Nadine Lustre

Nadine sa pagiging morena: I just learned to love the skin that I’m in

March 31, 2024 People's Tonight 85 views
Nadine1
Larawan mula sa IG/Nadine Lustre

NAGPAKATOTOO sa mga naging karanasan ng kulay ng kanyang balat ang award-winning actress na si Nadine Lustre sa isang panayam.

Inamin ng aktres na naging insecurity niya noong ang pagiging morena.

Noong menor de edad pa lamang ay palagi umanong sinasabi ng mga tao na masyadong maitim ang balat ni Nadine.

Ayon pa sa kanya, dumating pa sa punto na dumaan siya sa mga proseso tulad ng gluta at iba pa para lamang pumuti ang balat.

“When I would go to auditions, where they would only cast girls who are mestiza, or have lighter skin, it became an insecurity of mine and I really went through, like, the whole thing where you do gluta. You use like, whitening soap, you scrub calamansi on your body, or lemon,” wika ni Nadine.

Samantala, kalaunan naman ay natutunan ng ‘Roadkillers’ actress na mahalin ang kulay ng kanyang balat at uri ng ganda na mayroon siya.

“As I grew up, I learned to just love the skin that I’m in, and to just appreciate the beauty that I have,” sey pa niya.

AUTHOR PROFILE