Nads

Nadine almost a year nang di kumakain ng meat

July 6, 2023 Ian F. Fariñas 252 views

Almost a year nang hindi kumakain ng meat si Nadine Lustre at sey niya, “It’s the best thing that ever happened to me.”

Ayon sa aktres sa panayam ng isang glossy magazine, naniniwala siya na lahat ng living form ay nilikhang pantay-pantay.

“I don’t see them as another species that’s beneath me. I see them as my equal, and they deserve to live in this world as much as I do,” pahayag ni Nadine.

Dagdag pa niya, “I love animals so much. I don’t like how you butcher them so you can consume them and it’s just like five minutes of pleasure for your taste buds. After that, wala na.”

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi na siya bumibili ng leather products.

“I’ve noticed that I’ve become more conscious now with the stuff that I buy. I don’t purchase leather anymore. I’m starting to look for brands that are vegan or that are synthetic,” aniya.

“I feel good about it, just knowing that I’m not contributing to animal abuse, ‘cause if you think about it, us abusing animals for our own benefit is kind of extreme,” she added.

Maging sa skin care at shampoo na binibili ay sinisigurado muna niya na walang animal na kahalo. Sinabi rin ng aktres na hindi na siguro niya magagawang bumalik pa sa pagkain ng animal meat.

“I think I can never go back na rin, eh, just because I’m conditioned na to not eat animals. I believe it’s the best thing that ever happened to me,” aniya.

“At the end of the day, you can’t help but feel bad for the animals. I mean, these pigs are like me. They’re sentient beings and they have emotions and they’re loving creatures,” sabi pa ng aktres.

MAY CLAMOR NG PART 2

Naging napakaganda ng experience ni Alfred Vargas sa paggawa ng pelikulang “Pieta” with the one and only Superstar, Nora Aunor. Wala raw naging problema at wala ring sakit ng ulo.

“I’m thinking na nga of doing another project with her next year kung pwede. Ganun ka-okay,” dagdag pa niya.

First time ng aktor/politiko na makatrabaho si Ate Guy at talagang namangha raw siya sa husay ng ating Superstar. Ibinahagi nga niya ang isang eksena na talagang nadala siya sa galing ng aktres.

“Parang naging loving mother ko talaga siya noong moment na ‘yun sa eksena at ako naman parang long- lost son niya talaga. It was a magical experience for me as an artist. Swerte ko naranasan ko ‘yun,” lahad ni Alfred.

Sa ngayon ay katatapos lang ng aktor/konsehal ng seryeng “AraBella” sa GMA-7 at masaya siya sa magandang feedback ng manonood. May mga nagre-request nga ng part 2.

“Tingin ko ‘yung part 2, medyo suntok sa buwan na ‘yan. Pero siyempre, who knows, ‘di ba? Depende na sa network ‘yan at kay Lord. Marami ring nagme-message sa akin ng part 2. Pati sa mga ibang actor ganu’n din ang clamor. We’ll see. Huwag tayong magsara ng pinto. Anything is possible,” aniya.

AUTHOR PROFILE