Bimby

Cornerstone team, lumipad pa-Amerika para konsultahin si Kris sa career ni Bimby

July 6, 2023 Vinia Vivar 150 views

Nagbigay na ng pahayag si Boy Abunda tungkol sa naging usap-usapan na siya na magiging guardian ng bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby ngayong papasok na ito sa showbiz.

Nagsimula nga ang tsikang mag-aartista na ang bunso ni Kris nang lumabas sa social media ang larawang Kuya Boy, Bimby at ang Cornerstone Entertainment team headed by Erickson Raymundo.

Mismong ang Cornerstone Entertainment ang nag-post ng larawan na may caption na “the Cornerstone fam with Bimb. Exciting days are truly ahead for the young star! Mr. Boy Abunda stood in as a guardian for Bimb while Kris is still away.”

Inamin ni Kuya Boy na talagang nagkaroon sila ng meeting.

“We had a dinner, I hosted a dinner for Bimb. Totoo po ‘yan na doon sa pag-uusap namin ay we are trying to explore kung anong mga pwedeng mangyari, the possibilities,” paliwanag ni Kuya Boy.

Siyempre, kabilang na rito ang posibilidad ng papasok sa showbiz ni Bimby at iba pang pwedeng gawin nito.

“But it was more of an exploratory meeting,” pagbabahagi pa ni Kuya Boy.

Ang naturang meeting ay may permiso ng ina ni Bimby na si Kris.

“Kasalukuyan po, ang Cornerstone team ay nasa US and we are hoping na magkausap si Kris at saka ang Cornerstone. Pati na rin po si Bimb ay nakabalik na rin po sa Amerika. Kung may mga development ang kwentong ito ay ibahahagi ko po sa inyo,” pahayag pa ng TV host.

Kinumpirna rin ni Kuya Boy na siya nga ang nagsilbing guardian ni Bimby sa naturang pag-uusap.

“That’s true, I represented Bimby as his guardian,” he said.

AUTHOR PROFILE