
Paalam, Nap
IT was through the FB post ng veteran broadcast journalist, radio and TV anchor and TV host Arnold `Igan’ Claudio na nalaman namin ang pagpanaw ng veteran former entertainment turned sports writer-editor and former talent manager na si Napoleon `Nap’ Gutierrez na sumakabilang-buhay of heart attack (his second) nung nakaraang June 29, 2023 and is survived by his only younger brother Alex dahil pareho nang pumanaw ang kanilang parents.
On same day na nag-post si Igan about the passing of Nap ay nalaman namin na last wake na rin niya sa St. John the Baptist Church in Pinaglabanan, San Juan nung nakaraang Huwebes, July 6.
With friends and colleagues Allan Diones and Anna Pingol ay tumuloy kami sa burol ni Nap at inabutan namin sa chapel ang kanyang nakababatang kapatid na si Alex and a few high school friends. He was already cremated at binigyan ng dalawang araw na wake.
Nakaramdam kami ng lungkot sa kanyang paglisan dahil kakaunti lamang sa kanyang mga kaibigan ang nakaalaala sa kanya and there were only a handful of flowers ang naroon at kasama na rito ang bulaklak na padala ni Mayor Francis Zamora ng San Juan. Dito tuloy namin naalala ang masasayang araw ni Nap nung ito’y bata pa at malakas pang kumita ng pera at papalit-palit ng mamahaling mga sasakyan. Star-studded din ang kanyang birthday celebrations noon na ang mga guests ay mula sa showbiz at sports world.
Sikat noon si Nap bilang writer ng mga programa sa telebisyon ng tinaguriang “Queen of Intrigues” na si Ate Luds (Inday Badiday/Lourdes Jimenez-Carvajal) at kasama na rito ang “See True” at “Eye to Eye”.
Bukod sa showbiz ay mahilig na noon si Nap sa basketball at karamihan ng mga kilalang basketball stars and personalities ay mga kaibigan niya. At one point ay naging manager siya ng dating superstar player ng Purefoods na si Alvin Patrimono and he was able to close an impressive deal for Alvin with the said team. He had handled other players pero si Alvin ang kanyang ace talent.,
Nang magkaroon ng falling out sa pagitan nina Nap at Alvin (due to monetary matters), dito unti-unting nawala sa sirkulasyon ang veteran sports writer/editor but was still visible in some basketball events Hindi rin alam ng kanyang mga kaibigan kung nasaan ito maging ng kanyang sariling pamilya. Katunayan, hindi nakadalo si Nap sa burol at libing ng kanyang ina nung isang taon dahil may sakit na rin ito na personal niyang inilihim sa kanyang pamilya.
Dalawang beses inatake sa puso si Nap na naging daan ng pag-deteriorate ng kanyang health at wala nang paraan para makapag-trabaho at kumita ng pera tulad noon.
Mabait, matalino at marunong makisama si Nap at marami itong kaibigan pero ang mga katangian niyang ito did not work on his favor sa kanyang huling mga araw nung ito’y nabubuhay pa mainly because siya rin ang kusang lumayo sa kanyang mga kaibigan sa showbiz at sa kanyang basketball circle.
Ayon sa kanyang nakababatang kapatid na si Alex, Nap was evicted sa kanyang tinutuluyang condo unit in San Juan dahil hindi na umano ito nakakabayad ng renta, association dues at utility bills at nakatira umano ito sa isang barangay hall in San Juan kung saan siya pansamantalang pinatuloy until the time of his death.
Malapit na kaibigan namin si Nap since his showbiz days at marami rin itong mga kaibigan at kakilalang taga-industriya bukod sa kanyang mga kaibigan sa basketball industry pero siya na mismo ang kusang tumalikod at lumayo sa mga ito.
Paalam, Nap. Hangad namin ang iyong walang katapusang katahimikan sa piling ng ating Lumikha.
Mario nakapag-iwan ng magandang legacy
OVERFLOWING ang mga expensive at naggagandang mga bulaklak sa unang gabi ng burol ang veteran entertainment journalist at “TV Patrol”entertainment reporter na si Mario Dumaual sa Loyola Memorial Chapels in Commonwealth, Quezon City. Dagsa rin ng mga bisita na nagbigay pugay sa huling pagkakataon kay Mario, isang indikasyon kung gaano ka-well-loved ang namayapa.
Without him admitting it, si Mario ay isang celebrity in his own right at kilala siya sa apat na sulok ng Pilipinas dahil sa kanyang mahusay na paghatid ng mga balita na may kinalaman sa entertainment.
Malaking void ang iniwan ni Mario sa kanyang maagang pagpanaw nung nakaraang Miyerkules, July 5, 8:01 a.m. pero nakapag-iwan naman siya ng legasiya sa industriya na kanyang in-embrace sa loob ng halos limang dekada.
Overwhelmed ang pamilya ni Mario dahil sa outpouring of love for him na ipinakita ng mga tao,.
Iniwan ni Mario ang kanyang misis na si Cherie, mga anak na sina Luigi, Miguel, Maxine at Willaim at mga apo na sina Sky, Alfonzoe at Tali.
Mario’s wake is up to Sunday morning, July 9. Interment will at the Loyola Memorial Park in Marikina City in the afternoon of July 9, araw ng linggo.
Sharon dapat maging inspirasyon ni KC
DAPAT siguro gawing inspirasyon ni KC Concepcion (38) ang kanyang 57-year-old mom, ang megastar na si Sharon Cuneta who lost so much weight dahil sa pagiging determinado nitong magpapayat.
Ginulat ni Sharon ang kanyang mga fans sa kanyang bagong look ngayon. Talagang pinaghandaan niya nang husto ang unang pagsasama nila sa pelikula ng Kapuso heartthrob na si Alden Richards at role ng isang mag-ina ang kanilang ginagampanang papel in their first movie together under Cineko Productions na may working title na “A Mother and Son’s Story” na pinamamahalaan ni Nuel Naval mula sa panulat ni Mel del Rosario.
Although wala pang ibinabahagi ang Cineko Productions, malamang na ito’y isali sa darating na Metro Manila Film Festival sa darating na December 25, 2023.
Parehong excited sina Mega at Alden sa kanilang unang pagkakataon na magkatrabaho sa isang pelikula.
Christine gusto nang ipakilala ni Nico sa pamilya sa Australia
SA tuwing may bagong movie ang Vivamax sexy star na si Chrsitine Bermas ay madalas nitong aminin that she has no boyfriend since birth (NBSB). Pero tiyak na iba na ang sasabihin nito ngayon dahil may boyfriend na rin siya sa wakas, ang Canadian model-actor na si Nico Locco na isa rin sa mga contract talents ng Viva.
We bumped into Christine at Nico last Tuesday evening sa tanggapan ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario. Ang dalawa ay nagpaalam sa Viva big boss dahil pupunta umano silang dalawa sa Australia para ipakilala ang sexy star sa pamilya ni Nico na naka-base ngayon sa Australia.
Kahit magkasintahan na sina Christine at Nico, tuloy pa rin umano ang kanilang paggawa ng mga sexy movies for Vivamax streaming app pero umaasa rin ang dalawa na sana’y makagawa rin sila ng projects na kayang panoorin ng lahat.
Apparently, si Nico ang first boyfriend ni Christine.
Si Nico ay isinilang sa Canada of Filipino and Italian descent. Ang tunay niyang pangalan ay Nicholas Timothy Fowler. It was in 2017 nang magdesisyong siyang mamirmihan ng Pilipinas and he loves it here laluna’t dito siya nakahanap ng bagong girlfriend sa katauhan ni Christine Bermas.
Mukhang seryoso si Nico kay Christine dahil ipapakilala na niya ito sa kanyang pamilya sa Australia.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.