Default Thumbnail

MWP sa ‘rape’ huli sa Sampaloc

February 22, 2023 Jonjon Reyes 353 views

ISANG 43-anyos na lalaki ang inaresto sa bisa ng mandamyento de aresto sa kasong “rape” sa kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila, Martes ng gabi.

Ang suspek ay nakatala bilang top 1 na “most wanted person” (MWP) ayon sa pulisya.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Wilson Villaruel, commander ng Manila Police District (MPD) Sampaloc Police Station 4, bandang 8:35 ng gabi (Pebrero 21), nang damputin ang suspek ng mga operatiba.

Ang arrest warrant ay inisyu ni Presiding Judge Delight Aissa A. Salvador Regional Trial Court Branch 29, Pebrero 17, 2023 sa kasong panggagahasa na walang inirekomendang piyansa na inihain ni PEMS Luis Coderas ng Intelligence and Warrant Section.

Ayon kay Villaruel, patuloy ang Sampaloc Police Station sa pagtalima sa programa ni MPD Chief Andre P. Dizon na “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO).

AUTHOR PROFILE