Default Thumbnail

MWP na obrero huli sa ‘rape’ sa Kalaw

February 18, 2023 Jonjon Reyes 301 views

DAHIL sa mahalagang “tip” ng impormante ay nakalawit ang isang wanted sa panggagahasa sa Dolores, Quezon Province, sa T.M. Kalaw, Ermita, Maynila, Biyernes ng gabi.

Natunton ang kinaroroonan ng suspek sa harap ng Rizal Park Hotel sa nasabing lugar.

Ayon kay Police Major Rommel Reyes Purisima, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District (MPD), ang suspek ay pawang tubong Dolores sa probinsya ng Quezon.

Nabatid na nagsagawa ng joint operationg ang mga operatiba ng DSOU at MPD Sta. Cruz Police Station 3 sa pamumuno ni P/Lt. Col. Ramon Czar Solas, sa koordinasyong ginawa ni Purisima sa pagdakip sa suspek.

Pasado alas 7:38 ng gabi, dala ang arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Patricia Angeles Reyes Cataquiz-Fidel ng Family Court 4th Judicial Region Branch 16 ng Caliraya, Quezon na may petsang Nob. 2, 2021.

Inihain ang mandamyento de aresto nina P/Lt. Celso Sorita Jr. at P/Capt. Pierre Jamil Datong ng MDIT-RIU-NCR.

Walang inirekomendang piyansa ang korte sa paglabag nito sa Anti-Rape Law at nabatid na nakatala itong “most wanted person” (MWP) sa district level sa Quezon Province.

Pinuri naman ni MPD Director Andre P. Dizon sina Purisma, Solas at mga operatiba sa paghuli sa suspek batay sa “Oplan Galugad” at SACLEO (Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations) sa lungsod.

AUTHOR PROFILE