Dizon Nanguna si MPD Chief Andre P. Dizon sa gift giving at feeding program sa mahigit 100 mga bata sa pagdiriwang ng 30th National Children’s Month nitong Lunes. Kuha ni Jon-jon Reyes

MPD naglunsad ng feeding drive, gift-giving activity

November 14, 2022 Jonjon Reyes 1161 views

Bilang paggunita sa nat’l children’s month

NAGSAGAWA ng feeding program at gift giving ang Manila Police District (MPD) para sa mga bata bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 30th National Children’s Month, araw ng Lunes.

Ito ay rin ay bilang pagsuporta ng pamunuan ng MPD at pagpapahalaga sa mga bata sa komunidad sa Lungsod ng Maynila.

Namahagi naman ang kapulisan ng MPD ng mga munting regalo, mga laruan para sa mga bata sa pangunguna ni MPD Director Police Brig. Gen. Andre P. Dizon, katuwang ang mga opisyal ng nasabing himpilan.

Ang inilunsad na aktibidad ay may temang: “Kalusugan, Kaisipan, Kapalaran ng Bawat Bata ating Tutukan” na ginanap sa MPD Quadrangle U.N. Avenue, Ermita, Maynila.

Bukod sa gift-giving activity, may mga palaro din na ginanap at namahagi ng pagkain para sa mahigiti 100 na mga bata, kasama ng kanilang mga magulang, ayon kay MPD PIO (Public Information Office) Major Philipp Ines.

Ang nasabing selebrasyon ay bahagi din ng Department of Education (DepEd), Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 2022 National Children’s Month sa bansa na may hashtag #BuwanNgMgaBata, #2022ChildrensMonth.

AUTHOR PROFILE