Default Thumbnail

MPD chief Francisco siniguro peace, order kahit ECQ

August 11, 2021 Francis Naguit 317 views

INATASAN ni MPD Director PBGen.Leo M.Francisco ang mga kapulisan ng MPD Station 2 sa pamumuno ni PLT.Col.Magno Gallora na panatilihin ang kaayusan at katahimikan ngayong panahon ng ECQ sa lungsod ng Maynila.

Kahit ECQ ay tuloy tuloy ang pagbabantay at mahigpit na pagpapatupad ng IATF health protocols ng MPD Station 2 at Dagupan Outpost sa pamumuno nina PLT. Col. Magno Gallora Jr. at Police Senior Master Sergeant Gerardo Tubera kasabay ng pagsasagawa ng clearing operations para sa mga vendor at mamimili sa Divisoria.

Sinabi ni PBGen.Francisco na kahit nasa ganitong panahon ng pandemya at nasa ilalim ng ECQ ang buong Metro Manila ay dapat laging panatilihin ang kaayusan sa kanilang mga nasaasakupang lugar partikular sa Divisoria at Tondo.

Sinabi rin ni PBGen. Francisco sa kanyang mga kapulisan na palaging mag suot ng face mask at face shield, magtrabaho ng maayos, maging tama ang bihis ng mga ito. maging kalmado sa pag babantay lalo na sa kanilang pag-iikot at laging alerto at sa pag papatrolya.

Ayon naman kay PLT.Col.Gallora, araw araw nilang ipapatupad anf IATF heslth protocol habang bitbit ang kanilang mga yantok at microphone na magsisilbing armas at pagsaway sa mga tao na nagkukumpulan upang maiwasan at mapigilan ang pagdami ng nagkakasakit dulot ng Delta variant.

Nagkalat din ang CCTV sa kahabaan ng Divisoria Market (mula Dagupan hanggang Carmen Planas cor. CM Recto ave.) bilang magsisilbing monitor sa kanilang mga arra of reponsibility. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JIN C. REYES

AUTHOR PROFILE