Default Thumbnail

Motor bumangga sa pader; isa patay, 2 sugatan

April 23, 2023 Zaida I. Delos Reyes 297 views

PATAY ang isang motorcycle rider habang sugatan naman ang dalawang angkas nito matapos na bumangga sa pader sa gilid ng kalsada nitong Linggo ng madaling araw sa Calauag Quezon.

Dead on the spot ang hindi na pinangalanang rider habang isinugod naman sa pagamutan ang dalawang kasama nito.

Batay sa ulat ng Calauag Police, naganap ang insidente sa kalsada sa Barangay Poblacion Cinco, Calauag , Quezon.

Mabilis umanong tumatakbo ang motorsiklo sa pakurbang bahagi ng kalsada at hindi nakontrol ng driver ang manibela kung kaya’t bumangga ito sa pader.

Agad tinulungan ng mga nakasaksi ang mga biktima at dinala sa pagamutan subalit agad na nasawi ang isa sa kanila.

Napag-alaman na ang lugar ay itinuturing na accident prone kung kaya’t pinag-iingat ang lahat ng motorista na dumaraan.