Moira dela Torre

Moira: ’Di ako ’yon

May 14, 2023 Ian F. Fariñas 268 views

“Ako’y tahimik lang sa umpisa.” eme. di ako yon.”

’Yan ang cryptic post ni Moira dela Torre nitong Sabado nang gabi sa Instagram.

Kaya naman feeling ng followers ng singer, direktang sagot ito sa tanong ng bayan kung siya nga ba ang babaing kasama ng ex niyang si Jason Hernandez sa litratong kumalat online.

Halos isang taon matapos kumpirmahin ang hiwalayan nila after three years of marriage, lumabas ang litrato ni Jason kasama ang isang misteryosang babae.

Mabilis na naispatan ng netizens ang singsing na suot ng girl na anila ay kapareho ng singsing na ginagamit ni Moira.

Kaya umugong ang tanong kung si Moira nga ba ang babaing kasama ni Jason at kung nagkabalikan na sila.

Matagal naghintay ang netizens sa sagot ng female hitmaker at ngayon nga’y tila nasagot na niya ito.

Isa sa followers ni Moira ang nagsabing, “yan sinagot na ni ante moi. hahaha”

May nagsabi rin na “tapang mo na moi HAHAHA.”

As expected maraming harsh comments at bashing na tinanggap si Jason sa nasabing post.

Tinawag siyang “clout chaser” ng isang netizen kaya hindi raw talaga niya deserve ang pagmamahal ni Moira.

“Papakulong ko na talaga ‘yung ex mong cheater mareng Moira, eh, ginagamit ka na naman for clout,” galit na turan pa ng isa.

AUTHOR PROFILE