Heart

Heart niliwanag ang tungkol sa pagbili ng apartment sa Paris

May 14, 2023 Aster Amoyo 217 views

DAHIL madalas sa Paris, nagdesisyon si Heart Evangelista na bumili na rin doon ng apartment. Ang tanong ng publiko, may balak ba siyang iwan na ang Pilipinas para sa Paris na manirahan?

Mabilis itong nilinaw ni Heart: “Anong gagawin ko naman ‘don? Pa’no na ang kabuhayan showcase dito sa Pilipinas, ‘di ba? Hindi ko naman puwedeng iwanan. Philippines is my home, pa’no ‘yung mga aso ko? Aso ko talaga ‘di ba? Siyempre, si Chiz (Escudero, her husband) pumupunta rin sa Paris.

“So of course I go back and forth. Manila is my home it’s just that Paris is special and there’s this saying na, ‘All lost artists find their way to Paris,’ and I found my way to Paris and I love Paris.”

Isa kasing fashion influencer si Heart kung kaya’t madalas siyang magtungo sa iba’t ibang international fashion events na madalas na ginaganap sa Europe.

Kaya si Heart ay sanay nang maglalakad sa red carpet at alam na niya kung paano haharap sa maraming photographers during fashion week.

Ano ang payo ni Heart sa mga nangangarap na maging tulad niya na gustong rumampa sa mga international fashion event? “Huwag kang matataranta kasi nakakataranta siya…small calculated steps, maintain lang.”

Rita nag-show sa Hong Kong matapos manganak

UNTI-UNTI nang bumabalik sa trabaho si Rita Daniela pagkatapos nitong manganak sa kanyang baby boy noong nakaraang December.

Ilang buwang nagpahinga si Rita para maging hands-on mom sa kanyang baby. Inamin nito na na-miss niya ang umarte at kumanta pero uunahin daw muna niya ang maging ina kay Baby Uno na sagot sa kanyang mga dasal.

Nang maramdaman ni Rita at puwede na niyang maiwan muna si Baby Uno sa yaya, nakasama siya kamakailan sa ‘Balik Saya sa Hong Kong’ show kunsaan nakasama niya Boobay.

Pinost pa ni Rita ang pagpunta niya sa airport para sa first overseas show niya after maging isang mommy. At kahit na umuulan sa araw ng kanilang show sa Hong Kong, hindi umalis ang mga dumayong mga OFWs para manood at makisaya sa kanilang show.

Na-miss si Rita ng maraming OFWs lalo na ang tambalan nila ni Ken Chan. Tuwing binabanggit ni Rita ang pangalan ni Ken, nagsisigawan ang crowd at sana raw ay magkasama silang nag-show sa araw na iyon. Sinabi naman ni Rita na busy si Ken sa taping nito ng teleserye na ‘Abot Kamay Na Pangarap’.

Promise ni Rita na mapapanood sila ulit ni Ken sa isang TV show. Huli silang nagkasama ay sa GMA teleserye na Ang Dalawang Ikaw noong 2021.

Sam Smith bilib sa mga Pinoy

BILIB sa talento ng Pinoy ang English singer-songwriter na si Sam Smith kay looking forward itong mag-concert sa Pilipinas.

Bahagi ng Asian leg ng kanyang “GLORIA: The Tour” ang concert na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Oktubre 21.

Sinimulan na ni Sam nitong Abril ang kanyang tour sa Europe at tutuloy sa North America sa Hulyo bago tutungo sa Pilipinas at iba pang bansa sa Asya sa Oktubre.

Tampok sa kanyang latest at ikaapat na studio album na “Gloria” ang mga kantang “Unholy,” “I’m Not Here to Make Friends, and “Love Me More.”

Nanalo si Sam ng Grammy Award for Best Pop Duo at Group Performance para sa kantang “Unholy” kasama si Kim Petras, isang German-based singer na pinakaunang transgender woman na nanalo sa Grammy.

Natutuwa si Sam sa mga kababayan natin na paboritong awitin on social media ang kanyang 2014 hit single na “Stay With Me”. Tuwing may Pinoy na kumakanta nito on Facebook, Twitter or Instagram, pinupusuan niya ito at nagbibigay ng magandang comment para mabigyan niya ng confidence ang kumakanta ng song niya.

First Filipino muppet sa ‘Sesame Street’ maganda ang feedback

MAGANDA ang feedback sa ipinakilalang first Filipino muppet sa ‘Sesame Street’ na si TJ. Nire-represent ni TJ ang mga Filipino-American kids na lumaki sa Amerika pero gustong malaman ang kanilang family roots.

Ang background ni TJ, siya ay 4 years old and a second generation Filipino-American. Meron siyang little sister, at favorite niya ang gardening with his grandparents. Gusto rin daw niyang mag-aral na magsalita ng Tagalog.

Ayon pa kay TJ: “I’m learning Tagalog. It’s a language my Filipino family speaks and I have confidence because I can always ask my lola for help when I don’t know a word.”

Kaya bumagay si TJ sa Word of the Day ng show na confidence na in-explain sa kanya ng aktor na si Kal Penn: “Confidence is when you believe in yourself and your abilities, or in the abilities of others.”

The character of TJ is voiced by puppeteer and performer Yinan Shentu and created in part by Bobby Pontillas, a Filipino American animator na binase si TJ sa dalawang kaibigan ng kanyang anak.

Si TJ ang latest addition sa diverse cast ng ‘Sesame Street.’ Na-introduce noong 2021 ang firt Asian-American muppet na si Ji-Young at ang dalawang black muppets na sina Wes at ang tatay nitong si Elijah. Last year, ipinakilala si Ameera, a muppet character na naka-wheelchair.

AUTHOR PROFILE